Princess POV
Papunta na ako sa bahay nila Daniel. Ano ba naman 'yan,baliktad tuloy.
Akala nya siguro na kiniss ko sa lips si Mark. Aish! Ewan ko sa lalaking 'yon.
Habang naglalakad ako, napansin ko 'yung kapatid nya na naglalaro ng Chinese Garter together with her friends ata.
"Hi!" I said.
"Hello." sagot nya lang. Ngumiti nalang ako saka nag-door bell sa gate nila Daniel.
*ding dong*
"Yes, Ma'am?" tanong nung katulong nila.
"Ahm.. hinahanap ko lang po si Daniel. Pwede ko po ba syang kausapin?" tanong ko.
"Ay, iha. Nagkulong kasi 'yon sa kwarto nya eh. Brokenhearted ata." sagot naman nya.
"Ah.. sige po.'' sayang naman.
"Pasok ka nalang kaya? Baka mapilit mo syang makausap." oo nga naman noh?
"Thank you po." sabi ko at nag-bow saka pumasok.
Hay, I wish na magkabati na kami. Di ko naman talaga intensyon na iwanan sya dun. I just want to help Mark to find Jaycee.
Umakyat na ako sa sinabing kwarto nung katulong.
Bumungtong-hininga muna ako bago kumatok.
* tok tok tok *
"SINO BA 'YAN?! YAYA, I SAID DON'T DISTURB ME. UGH!" wala na, galit pala sya.
Pansin ko lang, masyadong syang OA. Parang 'yun lang eh.
"Ako 'to, Daniel. Ang nag-iisang Prinsesa mo." sabi ko.
Bumukas yung pinto at sumalubong sa akin ang mukha ng isang mapayat na lalaki. Medyo maputla pa.
"P-princess?" parang 'di pa sya nakatulog ng ilang araw.
"Bakit ganyan katawan mo? Di ka ba kumakain? Kaka-meet lang naten nung isang linggo ah?" nag-aalala ako para sa kanya.
Alam kong kasalanan ko 'to eh!
"Ah, don't worry. Tinutulog ko nalang 'yung pagka-gutom ko eh." pero, wait. Ang pinunta ko dito ay para magkabati kame. Tapos ganyan lang pala itsura nya? Kawawa naman 'tong batang 'to.
"Aish! Ang kulit mong bata ka! Lika't papaliguan kita! Parang may patay na daga dito sa loob ng kwarto mo eh." Pero syempre joke lang 'yun.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Boyfriend [REVISING]
RomanceI am Princess Raymundo, nakilala ko si Daniel Torres dahil para bang kaming pinagtagpo ng tadhana at lagi nalang kami nagkikita.. Inaasar siyang bakla pero hindi ko na yun pinapansin dahil hindi naman talaga siya bakla. May pagkalambot lang kumilos...