Princess POV
"Mama! Mama!" Sigaw ko habang papunta sa sala. Nasa labas pa kasi si Papa.
"Oh? Anong nangyari sayo?" Takang tanong ni Mama.
"May surprise po ako!" Sabi ko sabay ngiti. May bulaklak kasi si Papa para kay Mama. Ang sweet diba? Syempre gusto ko bati-bati na. Hindi ako umuwi sa bahay kahapon para paghandaan ang Family Date namin. Andun rin si Ate at Kuya.
Tinakpan ko ng panyo si Mama sa mata.
"Ano na naman ba 'yang pinag-gagawa mo? Anong trip mo, anak?" Tumawa lang ako at hindi sya sinunod.
Pumunta kami sa bakuran namin. Andun na si Papa, Ate at Kuya. Nagpipigil ng tawa. Pati ako. Nadadapa kasi si Mama sa mga maliliit na bato dito sa bakuran. Iniupo ko sya sa upuan at nasa harap nya na si Papa. Ibang table kasi kami eh. Para makapag-solo sila.
Tinanggal ko yung piring nya sa mata.
"Surprise!" Sabay-sabay naming sabi.
"E-edwi-n?" Tanong ni Mama. Tumango si Papa at saka ngumiti.
"Flowers for you.. Lea." Sabi ni Papa at binigay na ang flowers. Yieee!
"Ano ka ba, ginagawa mo tayong mga teenager." Tumawa ng mahina si Papa.
"Sorry."
"Hoy, hindi ko pa tanggap na may kapatid ang mga anak ko sa Tatay!"
"Kaya nga sorry na diba? Naiisio kasi kita nun eh." Grabe! Mga matatanda na to ah. Joke!
"Oh sya, tama na ang nga drama. Kain na nga tayo!" Sabi ni Ate Kat. Umupo na ako.
"Basta, perfect na tayo ah. Wala nang e-EPAL!" sabi ni Kuya. Hahaha!
Habang kumakain kami, pasimple kaming tumitingin kanina Mama't Papa. Paano ba naman, ang sweet sweet!
"Kuya, wag kang gagaya sa Papa ah?" Sabi ko. Nginisian nya lang ako. Naku, baka naman nagloloko na ito sa pag-aaral. De joke lang.
"Oo nga kafateed, wag kang gagaya dyan Kay Papa! Kundi, tig-iisang suntok ka sa amin!" Sabi ni Ate na ikinatawa namin ni Kuya. Okay na okay na ang pamilya namin! Everything's alright. *wink
*ding dong*
"Oh, may tao ata. Ako na ang mag-bubukas." Sabi ko sa kanila.
Pagka-harap ko sa gate, nakita ko ang nabuntis ni Papa atsaka ang isang batang babae. What do it mean? Wag nyong sabihin..
"Kay--" di ko natuloy ang sasabihin ko dahil tumakbo sya papasok. I mean, yung bata lang. Sinundan ko sya.
"Papa! Papa!" Sigaw nung bata. Nagulat sina Mama.
"Edwin! Sino yan, ha?!" Sabi ni Mama. Pang-gulo talaga sa scene eh noh!
"Let me explain.." Sabi ni Papa.
-------
Dedicated to: @ChachiKawaii
BINABASA MO ANG
My Beautiful Boyfriend [REVISING]
RomanceI am Princess Raymundo, nakilala ko si Daniel Torres dahil para bang kaming pinagtagpo ng tadhana at lagi nalang kami nagkikita.. Inaasar siyang bakla pero hindi ko na yun pinapansin dahil hindi naman talaga siya bakla. May pagkalambot lang kumilos...