BLACKROSE

1.8K 26 0
                                    

BLACK ROSEIsinulat ni Alex Asc

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BLACK ROSE
Isinulat ni Alex Asc

Namamangha ang magkakaibigan sa kaharap na hardin ng mga bulaklak. Malalaki kasi ang mga rosas na 'singlaki ng tao, makulay at malawak ang hardin nito. Halos lahat ng kulay ay naroroon na. Mabango at nakabibighani sa paningin ng sinumang kababaihan.

Inilabas nila ang kanilang cellphone at nag-picture pa sila roon.

"Grabe, totoo kaya ito?" namamanghang wika ni Jenny.

"Haler, kaharap mo na nga at hinahawak-hawakan," sagot ni Ailyn.

Si Clarissah ang nakaalam sa hardin na ito. Naghahanap kasi silang magkakaibigan ng magandang pasyalan at dahil mahihilig sila pareho sa mga flowers ay nag-research si Clarissah ng mga hardin na puwede nilang puntahan. Heto't nakahanap siya sa internet at hindi lang hardin o park kung 'di isang malawak na halamanan ng mga bulalaklak ang kaniyang natagpuan.

Masaya nilang ninanamnam ang mga sandaling iyon, habang humahalimuyak ang mababangong bulaklak na sumasaboy sa hangin, habang nakakalat sa kalangitan ang mga bituin. Nakapuwesto sila sa gitna kung saan nakalapag ang manipis na kumot.

"Sayang, walang boys," pilyang tinig ni Wilma.

Napasimangot naman si Mandy dahil broken hearted ito mula sa kaniyang nobyo na hiniwalayan siya kahapon lang, kaya't laging balisa na tila wala sa sarili ang babae.

"Huwag ka namang magsalita tungkol sa boys. This night is for us, for girls bonding together only," wari'y segunda ni Ailyn kay Wilma.

Nagpatuloy ang kanilang kuwentuhan at harutan nang makaramdam sila ng kakaiba.

Bigla na lamang uminit ang paligid. Pumagaspas ang mga bulaklak na wari'y pakpak. Humuni ang kapaligiran ng kakaibang tinig. Hindi huni ng mga maliliit na kuliglig o ibon kundi ng nakakatakot na mababangis na hayop. Nanindig ang kanilang balahibo, lalo pa nang mas lumakas ang paggalaw ng mga bulaklak samantalang hindi naman humahangin ng malakas.

Napasigaw ang mga babae at tumakbo sila palabas, ngunit nakakapagtaka dahil wari'y may mga puwersang pumipigil sa kanila. Ganoon pa man ay hindi sila nagpapigil at tuluyang nakalabas sa hardin na iyon.

Habang nasa medyo may kalayuan ay tinanaw nila ang pinanggalingan nilang hardin. Ganoon na lamang ang hilakbot nila dahil hindi makulay ang hardin na nasa paligid kundi puro itim na malalaking bulaklak na maihahalintulad sa isang halamang halimaw.

Tuluyan na nilang nilisan ang lugar na ang baon ay takot sa mga naranasan.

Hindi sila makapaniwala sa kanilang nasaksihan. Talaga namang kakaiba ang mga pangyayaring iyon, kahit nasa loob na sila ng kotse ay nangangatog pa rin ang kanilang mga paa.

"Clariss, bakit ganoon iyon? Hindi mo ba nalaman kung sino ang may-ari?" inis ni Jenny sa kaibigan.

"Para namang walang nagmamay-ari no'n, girls. Baka 'kamo pag-aari ng halimaw," sagot ni Wilma.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon