DEVIL LOVES YOU

515 16 0
                                    

DEVIL LOVES YOUIsinulat ni Alex ASC

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DEVIL LOVES YOU
Isinulat ni Alex ASC

Inaararo ng rumaragasang malaking truck ang kotse at pati ang babaeng nagmagandang-loob na tumulong ay nadamay.

Dito sa lumalagablab na impiyerno. Kasalukuyan kaming tinitipon ni Lucifer. Mga panibagong miyembro ng kanilang kaharian. Mga fresh batch ng mga demonyo na panibagong maghahasik ng lagim sa mundo. Isinulat sa listahan ang aming mga pangalan at in-assign kung saang lugar maghahasik ng kasamaan.

"Inaasahan ko kayo sa pagpapakalat ng kasamaan sa mundo! Nang sa gayon ay dumami pa ang ating bilang dito sa impiyerno!" Tawanan ang lahat habang nagsasaya sa anunsyo ng aming pinuno.

Itinalaga sa akin ang dalawa kong kasama na si June at si Bert. Bitbit namin ang malalaking bakal na tinidor bilang sandata.

Nagsimula na kaming maglakbay mula impiyerno patungong mundo. Bigla na lamang kaming lumitaw nang gabing ito sa isang nayon.

Dahil baguhan pa ay hindi namin lubos alam ang gagawin.

"Maghiwa-hiwalay tayo," mungkahi ko. Napatango naman silang dalawa bilang pagsang-ayon. Ikinumpas namin ang mga kamay at biglang naglaho.

Lumitaw ako sa loob ng banyo habang may babaeng naliligo.

Natutop ko ang bibig sa magandang katawan na tumambad sa akin. Nakatalikod ang babae ngunit natatakpan ang maselang parte ng kaniyang katawan. Halos lumuwa ang mga mata ko. Hindi ko ito inaasahan, ngunit nag-iinit ako. Dapat ko na sanang ikumpas ang mga kamay upang maglaho ngunit tinatangay ako ng masarap na sandaling ito. Ayos lang naman siguro dahil hindi naman niya ako nakikita.

Natigil ang babae at lumingon sa likuran, saka biglang...

"Ahhh!!! Bastooosss!!!" Agad inabot ng babae ang tuwalya at itinakip sa sarili. Mabilis ang paghablot sa toilet brush.

Dahil sa pagkataranta ay hindi ko malaman ang gagawin. Sunod-sunod niya akong pinukpok sa ulo.

"Ano bang nangyari sa 'yo?" tanong ni June habang sapo ko ang ulo na napuno na ng bukol. Samantalang nasa hardin kami ng impyerno nang mga sandaling ito.

"Hindi sinasadya?! Doon ako lumitaw sa babaeng naliligo, tuloy, hinataw ako," paliwanag ko naman.

"Manyakis ka pala, e." Sinundan ng malakas na pagtawa ni Bert.

"Alam n'yo, nakapagtataka. Paano niya ako nakita? 'Di ba, mga demonyo na tayo?" saad ko sa kanila.

"Marahil hindi pa tayo ganap na demonyo, mga baguhan pa tayo," tugon ni June sa akin.

Oras na naman upang umatake at mula sa impiyerno ay sabay-sabay kaming lumitaw sa mundo.

Pinasingkit ko ang mga mata upang basahin ang nilalaman ng isipan ng mga tao.

'Ayon! Sakto, may isang lalaking nagdadalawang-isip na dukutan ang babaeng kasunod habang naglalakad sa may overpass.

"Sige... nakawan mo siya. Magkakapera ka, kaibigan. Magkakaroon ka ng pulutan mamaya!" bulong ko sa kaniya habang nakasunod.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon