PANAMBO

532 14 0
                                    

PANAMBOIsinulat ni Alex Asc

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PANAMBO
Isinulat ni Alex Asc

Tahimik lang na nagbabasa ng diyaryo si Neil.
Habang ang dalawa niyang matalik na kaibigan ay nag-aasaran.

"Hoy! Keniki nang in*ka! este... Paneki kang Kaneki ka! Bakit ba napakahirap banggitin ang pangalan mo! King*na ka!" Sinabayan ng malakas na tawa ng isa.

"P*ta! Hiyang-hiya naman ako sa pangalan mong Notarte ka! May Nota na, tunog ta* pa!" ganti ng isa na sinabayan ng malakas na halakhak.

"Notarte, kay lapit sa pangalan ng ating pangulong si Duterte, balang araw magiging predente din ako ng bansa." Wari nangangarap ito.

"Presidente? Benti, ta*! Yung pangalan mo, hindi tunog Duterte kundi tunog natata*!" alaskador nito sa kaibigan.

"Hoy!!! Tumigil nga kayo!" sigaw ni Neil sa dalawang kaibigan. Tumigil naman ang dalawa at lumapit sa kaniya.

"Nagbabasa ka na naman ng komiks!" singhal ni Kaneki.

"Hanap na lang tayo ng makikilkilan roon!" anyaya ni Notarte.

Mistula silang salot sa lipunan, kilabot ng kanilang teritoryo. Wala na silang ibang ginawa kundi manakit, mangilkil, mang-api ng mas maliliit sa kanila. Kumbaga, sila ang nagsisilbing siga-sigahan sa kanilang lugar.

Si Neil ay nakahiligan ang madalas na pagbabasa ng mga komiks, at dahil mayroong kakaibang kuwento sa dyaryo ng mga sandaling ito ay doon nakatuon ang kaniyang pansin.

"Mga 'tol! May binabasa ako dito tungkol sa Panambo," wika niya sa dalawang nakitingin rin sa hawak niyang diyaryo.

"Anong panambo?" pagtatakang tanong ng dalawa.

"Ayon dito, ang panambo raw ay isang uri ng mga nilalang sa dilim, ngunit sila ay nagmula sa mga tao. Ibig sabihin, normal sila ngunit nakuha lamang nila ang pagiging panambo sa mga maligno," pahayag niya.

Nagsasalaysay pa si Neil pero tinalikuran ng dalawa dahil hindi sila enteresado. Palagi na lamang kasing nagbabasa ng kung ano-anong mga kuwentong walang katotohanan.

"Hoy! Hali nga kayo rito! Hindi niyo ako pinapatapos!" tawag niya sa dalawa na bumalik naman.

"Alam niyo bang kapag naging panambo ang tao ay magiging immortal siya!" nakangiti niyang balita sa kanila.

Muli tumalikod ang dalawa dahil hindi pa rin enteresado.

"Hindi niyo ba naiisip ang naiisip ko! Kapag naging immortal tayo! Hinding-hindi na tayo mamamatay! Maaari tayong magpakayaman! Magnakaw! Manakit ng iba at gawin ang lahat ng gusto natin dahil makapangyarihan na tayo!" Humalakhak pa siya sa sinasabi.

"Nagpapaniwala ka naman diyan!" tugon ni Notarte.

"Subukan natin mga 'tol! Walang masama..." nilingon niya ang dalawa habang naghihintay ng sagot.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon