BALENTINO

413 13 0
                                    


BALENTINO Isinulat ni Alex Asc

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BALENTINO
Isinulat ni Alex Asc

Nagkaroon ng sira ang sasakyan ko, kung kaya't kailangan kong mag-commute papasok sa trabaho.

Kailangan pang sumakay ng traysikel para marating ang highway. Nakatayo lang akong nag-aabang ng umagaw pansin sa akin ang lalaking nasa kabilang dako. Matipuno siya at magandang lalake, nakasuot ng polo na kulay itim, nakamaong na pantalon at nakakalo ng bonnet at may suot na itim na salamin.

Sa tinagal-tagal ko na rito sa baranggay namin ay ngayon ko lang siya nakita. Tumawid siya at tumabi sa kinatatayuan ko. Nailang naman ako at bahagyang lumayo. Lumingon lamang siya at ngumiti.

Pinara ko ang Traysikel. Sumakay na ako at ganoon din ang lalake. Dahil sa pagkalaki-laking tao niya ay halos hindi na kami magkasya sa loob ng traysikel. Pero infairness, para siyang babae kung makagamit ng pabango... humahalimuyak.

Pagdating ng highway ay pumanhik na ako sa MRT. Dahil sa pagmamadali ay hindi na ako umabot sa ladies area. Simpre siksikan to da max na naman ang loob ng MRT at mas lalo pa ngayon kung saan halos nagkadikit-dikit na kami.

Umarko ang kilay ko, malaman na ang lalaking halos kadikit ko na sa bandang tagiliran ay ang kasabay ko kanina. Nag-hi lamang siya bago ko ibinalik ang tingin sa harapan.

Hindi ko na siya sinagot. Nakakainis na ang lalaking ito, parang nakasunod lagi. Parang stalker! Ganito ba naman ang ayaw ko sa lahat, parang binabastos ako.

"Excuse me, hindi mo ba ako sinusundan?" mahina kong tinig. Sure naman akong madidinig niya 'yon.

"Hindi..." tipid niyang sagot. Dumami pa ang pasahero kung kayat napadikit na siya sa akin.

"And, oh! My God!... damang-dama ko ang ano niya!" Nabastusan ako, kaya't sinampal ko siya. Napadaing naman siya at medyo dumistansya.

Hindi sinasadya ay nabitawan ko ang cellphone at dahil sa dami ng tao ay hindi ko na malaman kung saan pumaroon. Idagdag pa ang hindi ako makayuko dahil sa siksikan. Pilit kong hinahanap ng tingin pero hindi ko matagpuan.
Natanaw ko na lamang na napapalayo na dahil nasisipa pa ng ilang tao.

Pagkaraan ng ilang saglit ay ini-abot ng lalaki sa akin. Hindi ako makapaniwala kung paano niya naabot iyon, samantalang ni hindi siya yumuko man lang.

Inabot ko rin iyon at hindi ko na nagawang magsalita pa ulit dahil nahihiya na ako sa kaniya.

Nakahinga ako ng maluwag ng makababa na ako sa Mrt. At nasa tabi lamang ang isa sa mga coffee shop na under sa management ko.

Limang branch na ito sa Metro Manila. And I'm so blessed dahil sa pagkakapili sa akin ni Sir na mangasiwa sa kaniyang busseness. Mula sa regular na employee ay tinuruan at pinagkatiwalaan niya akong hawakan iyon.

Busy kami sa mga sandaling ito dahil may ginagawa kaming Heart cake at Heart bread design para sa mga costumer, dahil february na at lahat ng hugis heart ay mabentang-mabenta.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon