ANG KABAYO
Isinulat ni Alex AscMay naririnig si Mang Amando na umaatungal, ngunit mahina lamang ang tinig no'n at pakiwari niya'y hindi tao.
Kasama ang kaniyang anak na si Cynthia ay sinundan nila iyon. Nadatnan nila ang kabayong nakabulagta sa makipot na kakahuyan.
Namangha sila sa kakaiba nitong kulay na parang may pagka-asul na wari kumikintab. Parang hindi ordinaryong kabayo at kailanman ay hindi pa sila nakakakita ng ganoong klasing kabayo.
Naawa sila dahil wari hirap na hirap ito sa kalagayan na tila may pinagdaanang hirap bago maparoon. Pinilit ni Amando na patayuin at palakarin kahit mahina lamang ang mga hakbang ng kabayong iyon.
Dahil malapit lang ang tahanan nila ay hindi sila nahirapang marating iyon. Inilagay nila sa isang kwadra ang kabayong tila may sakit. At iniwanan na nila roon. Saktong gabi na ng mga oras na ito at taglamig pa ang panahon. Hinihintay na rin sila ng kaniyang ina na si Fathma upang maghaponan.
Tumitilaok pa lamang ang mga tandang at hindi pa tuluyang sumisikat si haring araw ng lumabas ng bahay si Cynthia upang kumustahin ang lagay ng kabayo.
Masunuring bata at mapagmahal sa mga hayop ang labing-dalawang taong gulang na si Cynthia kaya nga pinuntahan niya ng ganito kaaga ang kabayo.
May dala-dala pa siyang ilang peraso ng damo na pinitas niya sa likuran lamang ng kanilang bahay.
Pagkapasok niya ay nadatnan niyang nakahiga pa rin ang kabayo na wari mahinang-mahina na. Itinapat niya ang damo sa bibig ng kabayo. Kumain naman iyon, at dahil naubos agad ay muling namitas si Cynthia.
Napangiti si Cynthia dahil bumubuti na ang lagay ng kabayo. Habang katabi nito ay kinakausap pa niya ito, na wari nakikinig sa kaniya.
"Kumusta ka kaibigan," "Mabuti ba ang lagay mo," "Ako nga pala si Cynthia," "Ano'ng pangalan mo?" Ito ang sunod-sunod niyang sabi sa kabayong iyon.
Tumayo ang kabayo at nagawa nga nito ng tuwid, kaya't pumalakpak pa si Cynthia.
"Salamat sa iyo," anang isang tinig. Napalingon sa paligid si Cynthia, hinahanap ang tinig na iyon, nang mapagtantong walang naroroon ay ibinalik ulit ang tingin sa kabayo.
"Ako nga pala si Ojjie." Ngumiti ito, labas pa ang mga ngipin. Pinanlakihan naman ng mga mata si Cynthia at tatakbo na sana pero lumukso sa pintuan ang kabayo.
"Huwag kang mag-alala, mabait ako. Magiging kaibigan mo ako," wika ng kabayo.
Mas lalong nahihintakutan si Cynthia sa inaasal ng kabayo.
Tumungo sa dulo si Cynthia at bahagyang kumubli sa ilang kagamitang naroroon.
Lumapit ng paunti-unti ang kabayo habang kabadong-kabado ang bata.
"Huwag kang matakot sa akin, isa akong mabuting kaibigan. Dahil sa kabaitan mong taglay, makakaasa kang magiging alipin mo ako at pagsisilbihan kita..." saad ng Kabayo.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 4
HorrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 4 Ikaapat na bahagi ng mga maiikling kuwento ni Alex Asc. Fiction stories, Aswang, Multo at Pantasya MGA NILALAMAN 1- Blackrose 2- Goryo, my hero 3- Flokko 4- Hiram na mga mata 5- Where is Leleng 6- Panambo 7- Man...