WALANG FEB. 14
Isinulat ni Alex AscMaituturing na hindi kapani-paniwala ang mga nangyayari sa akin tuwing sumasapit ang Feb 14.
Ang araw ng ikalabing-apat ng kalendaryo sa Pebrero ay parang naglalaho sa akin. Hindi kayo maniniwala ngunit kapag araw na ng Feb. 14 ay tila nabubura sa akin ang araw na iyon.
Pagtulog ng petsa 13 ay magigising akong petsa 15 na.
Minsan nakakatawa 'no, subalit ang nakakapagtakang pangyayaring ito ay ilang ulit ng nangyari sa buhay ko. Nasa tatlong ulit na.
Isang simpli lamang na araw ito kung totoosin na hindi kawalan, ngunit malaking bagay na ito sa sarili ko. Hindi ng araw lang na iyon, kundi nagiging sanhi upang mawala sa akin ang mga lalaking inibig ko.
Tatlong beses na akong umibig ng tapat ngunit pagsapit ng ika-kinse ng Pebrero ay nawawala na sila sa piling ko.
Noong una, ipinagpapalagay ko na iniwan lang ako ng mga mokong dahil 'di ko sinipot sa special date namin.
Hindi sila sumasagot ng tawag, minsan nakasara pa ang cellphone at ang pinakamalala ay hindi na nagparamdam.
Inisip ko noon na baka dahil galit, baka iniwan na ako o pinagpalit, kaya 'yung dalawang nakarelation ko nitong dalawang nakaraang taon ay pinabayaan ko na. Wala naman akong magagawa kung ayaw na nila sa akin.
Subalit itong huling taon ay nagsimula na akong mangamba, na baka may dahilan nga siguro ang lahat. Nakakapagtaka na kasi ang mga misteryosong nangyayaring ito sa buhay ko.
Petsa trese sa Pebrero, nais ko ng makauwi ng maaga mula sa trabaho, dahil usapan namin ng boyfriend kong si Ricky ay ilalaan namin ang buong araw para sa sarili namin dalawa. Sa February 14 ay mamasyal kami at matutulog na magkasama sa hotel. Ngunit pagkamalas-malas ba naman dahil kung kailan dapat makauwi ako ng maaga ay saka naman nagkaproblema ang computer na ginagamit namin sa trabaho. Hindi ko na-save ang report na ginawa ko ng maghapon at dapat na ma-submit na sana kay Boss sa Petsa kinse. Dahil sa nangyari ay nagulo na ang utak ko.
Pagod akong umuwi ng appartment at masakit ang ulo. Pagkahiga ng kama ay nakatulog na lamang ako ng biglaan, kung kaya't hindi ko na namalayan ang mga nangyari. Kinabukasan, dali-dali akong tumungo sa banyo upang maligo pero natigil ako ng maala-alang hindi kaya petsa kinse na. Bumalik ako sa silid at tiningnan ang cellphone ko. Napasapo ako sa ulo dahil sa nakitang date. Tama nga at petsa kinse.
Buong araw nga ba akong nakatulog o may nangyayaring hindi ko nalalaman? Nakita ko ang madaming calls at texr ni Ricky. Inaantay daw ako sa labas ng appartment. Hindi daw ako sumasagot sa tawag at paulit-ulit daw niyang kinakatok ang pintuan.
E-denial ko ang numero niya pero naka-off ang cellphone niya.
"Ano ba ang nangyayari sa akin?" Pasalampak na akong naguguluhan.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 4
HororMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 4 Ikaapat na bahagi ng mga maiikling kuwento ni Alex Asc. Fiction stories, Aswang, Multo at Pantasya MGA NILALAMAN 1- Blackrose 2- Goryo, my hero 3- Flokko 4- Hiram na mga mata 5- Where is Leleng 6- Panambo 7- Man...