LAGIM NI KUPIDO
Isinulat ni Alex Asc.Kamakailan lang ay may kumakalat na usap-usapin tungkol kay Kupido.
Mayroon raw umanong itinayo na rebulto ni Kupido kung saan kapag araw ng mga puso ay doon raw maaaring humiling sa kaniya.
Kahilingang magkaroon ng pagkakataong paibigin ng isang nagmamahal ang kaniyang minamahal sa pamamagitan ni Kupido.
Bago lang naman ang estatwang iyon na inilagak sa paanan ng isang bundok, kung saan hindi nalalayo sa kalsada. Kaya't hindi mahirap bumaba roon at umusal ng hiling kay Kupido.
Ngayong Pebrero, ika-sampu raw bubuksan iyon para sa mga taong naghahanap ng tunay na pag-ibig, at makakaasa raw silang magkakaroon sila ng forever.
February na, at hanggang ngayon ay patuloy pa ring nangangarap si Aljun, na isang araw, makakasama niya sa isang romantic date ang babaeng iniibig.
Matagal ng may labis na pagtingin si Aljun sa babaeng maituturing na pantasya ng mga kalalakihan.
Si Rikkah na sadyang napakaganda nito at napaka-sexy. Hindi rin ito basta-basta nagtataglay ng yumit't alindog sa lahat ng kalalakihan kundi, isa rin itong model ng iba't ibang produkto. Kung kaya't ang maangkin ang tunay niyang pag-ibig ay sadyang napakahirap makamtan.
Hindi rin siya maidadaan sa one-night stand, dahil hindi ganoong klasing babae si Rikkah.
Hindi siya nasisilaw sa pera kapalit ay ang katawan niya. Kaya't ganoon na lamang ang tindi ng paghanga ni Aljun sa babaeng minsan na niyang naging matalik na kaibigan.Tandang-tanda pa ni Aljun. Unang kita pa lamang niya kay Rikkah ay nahumaling na agad siya. Naging kapitbahay niya iyon dahil kumuha ng bed spacer ang babae sa kalapit nilang bahay.
Napakatorpe ni Aljun pagdating kay Rikkah. Doon niya napatunayang kapag kaibigan mo ang taong gusto mo ay hindi ganoon kadaling umamin ng damdamin, lalo't tuwing pinakikiramdaman niya ay parang walang gana si Rikkah sa pakikipagrelasyon, na wari ang nais lang ay balang araw ay sumikat bilang actress at kumita para sa pamilya.
Lumipas ang mga araw na hindi pa rin nakakapagtapat si Aljun hanggang sa pareho na silang na-busy dahil sa trabaho. Biglaan pa ang paglipat ni Rikkah kung kaya't unti-unting tumatamlay ang samahan nila bilang magkaibigan. Kaya't sa ngayon, mabuti na kung mapaglalaanan siya ni Rikkah ng isang beses na pagkikita sa loob ng ilang buwan.
"P're, hanggang kailan mo ba titigan ang larawan ni Rikkah! Baka mamaya mabutas pa iyan." Sabay halakhak ng kaniyang kaibigan. Nakabuklat na naman kasi ang magazine ng supermodel na si Rikkah habang minamasdan ni Aljun.
Hindi na umimik si Aljun sa biro ng kaniyang kaibigan.
"Bakit hindi ka kaya pumunta sa Mt. Banawe. 'Yung bagong rebulto ni Kupido. Maaari mong hilingin na maangkin ang babaeng pinapantasya mo." Sabay nguso nito sa litrato.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 4
HorrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 4 Ikaapat na bahagi ng mga maiikling kuwento ni Alex Asc. Fiction stories, Aswang, Multo at Pantasya MGA NILALAMAN 1- Blackrose 2- Goryo, my hero 3- Flokko 4- Hiram na mga mata 5- Where is Leleng 6- Panambo 7- Man...