PAG-IBIG NG ASWANG

629 18 1
                                    

PAG-IBIG NG ASWANGIsinulat ni Alex Asc

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAG-IBIG NG ASWANG
Isinulat ni Alex Asc

Masamang-masama ang loob ni Kathrina dahil nakipag-break sa kaniya ang lalaking matagal na niyang iniibig.

Pinaparatangan siya nito na mayroon daw siyang iba, na nakita raw siya nitong may kasamang lalaki, at nakaakbay ang lalaki sa kaniya.

Wala naman siyang nalalaman sa ipinaparatang sa kaniya. Baka nga siguro totoo ang nalaman niyang information sa ilang kakilala. May asawa daw ang karelasyon niya. Ibig sabihin, ginamet lamang siya, at walang kaalam-alam na isa na pala siyang kabet.

Wala na siyang karapatang habulin ang nobyo dahil kapag nalaman pa ng asawa ng lalake ay tiyak pagsisisihan niya. Labis-labis ang kahihiyan kapag nagkataon.

Dulot ng sama ng loob, ay gusto niyang magpakalayo-layo muna. Sumakay siya ng bus, biyaheng Cagayan valley.

First time niyang pupunta roon. Nais niyang makituloy muna sa isang kaibigan upang magpalipas ng sama ng loob.

Pagsandal niya sa bus ay napansin agad niya ang lalaking tulog at nakanganga pa ito tungo sa kaniya habang umiilik.

Wala ng bakanteng ibang upuan kaya't hindi na makakalipat si Kathrina. Nagtiis na lang siyang katabi ang lalake.

Umusad na ang bus at natumba ang lalaki sa kaniyang balikat. Itinulak niya ang ulo ng lalaki kung kaya't nagising at humingi ng tawad sa kaniya.

Ginantihan lang niya iyon ng ngiti. Nagpatuloy sa paglalakbay ang bus. Halos tulog na ang lahat ng pasahero at nasa tabi na sila ng kagubatan ng mga sandaling ito.

Bigla na lamang huminto ang bus kaya't nagising ang mga pasahero at ang ilan ay nauntog pa sa kani-kanilang kaharap na upuan.

Nagtataka ang mga pasahero ngunit walang kibo ang driver na halatang nanginginig.

Nagtanong ang konduktor at sinagot siya ng driver ng nakakarimarim na salita.

"May aswang!!!" malakas ang tinig ng driver kaya't naalarma ang mga pasahero.

"Isara niyo ang mga bintana!!!" malakas niyang utos na ikinabahala naman ng mga tao.

Pinalarga ng driver ang sasakyan at saka lamang tumambad sa paningin ng mga pasahero ang maraming nilalang na nagsisiliparan sa itaas.

Nakakatakot ang mga itsura. Maiitim ang kulay at mahahaba ang mga pakpak, mahahaba ang kuko at mahahaba ang mga pangil na tumutulo pa ang laway.

Dinambahan ng mga aswang ang bintana at pintuan ng bus. Nakakakilabot pa ang tinig ng mga nilalang na iyon. Napuno ng sigawan ang loob ng mga bus mula sa mga pasahero. Marami ang nagdasal para sa kanilang kaligtasan.

Kahit mabilis ang takbo ng bus ay 'di hamak na kayang pantayan ng mga aswang. Unti-unti nang nababasag ang mga salamin. Binunggo ng isang aswang ang salamin na katapat ng driver. Kaya't unti-unting nawawalan ng kontrol ang driver. Isama pa rito ang pagkakatakip ng aswang sa daanan ng bus.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon