HIRAM NA MGA MATA

610 14 0
                                    

HIRAM NA MGA MATAIsinulat ni Alex Asc

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HIRAM NA MGA MATA
Isinulat ni Alex Asc

Unti-unting iminumulat ni Ciddie ang mga mata. Masaya't kabado siya dahil unang pagkakataon niyang masisilayan ang mundo. Ang anyo nito, ang kulay nito at ang mga nadidinig niya 'ukol dito.

Isinilang na bulag ang binatilyong si Ciddie. Mahirap lamang sila kung kaya't wala silang pera upang ipagamot. Sa dami ng taon na lumipas ay ngayon lang may nag-alok ng mga mata para sa kaniya.

Nagulat pa siya nang tuluyang maimulat ang mga mata. Napanganga siya habang minamasdan ang paligid, ang dingding, ang kisame, ang liwanag ng araw na nagmumula sa bintana, ang mga kagamitan sa hospital at higit sa lahat, ang mukha ng pinakamamahal niyang ama at ina.

Masayang-masaya siya dahil hindi niya akalain na makakakita pa siya, na mamumuhay na siyang normal tulad ng iba.

Napapaluha pa siya at ganoon din ang mag-asawa.

"'Nay, 'Tay, nakakakita na ako!" sambit niya sa kanila.

"Masayang-masaya kami para sa 'yo, anak," masayang tugon ng kaniyang ama.

"Natupad na rin ang lagi kong ipinagdarasal." Habang pumapatak na ang luha ng kaniyang ina.

Kahit ito ang unang pagkakataon na nakakita si Ciddie ay ramdam niya ang kaniyang ama't ina. Kahit bulag siya ay batid niya ang mga bagay-bagay na pinapagana ng kaniyang imahinasyon.

Alam niyang ito ay kumot base sa lambot at gaspang ng telang iyon, alam niya rin na iyon ay walis na ayon sa hugis at pira-pirasong usli ng haba na kahit ang lahat ng ito ay una niyang nasilayan lamang.

Matapos makapagpahinga ng ilang araw, hindi na nag-aksaya si Mang Romulo na ipasyal sa mga mall, sa mga park, mga palengke at kung saan man maibigan na lugar ang anak. Kahit maubos ang perang naipon nila ay wala siyang pakialam, basta't ibig ng ama ay mapasaya ang anak.

Ibig malaman ni Ciddie kung sino ang nag-donate ng mga mata sa kaniya, ngunit ang isinasagot ng kaniyang ama ay isang mabutin- tao raw na hindi nagpakilala. Siya rin umano ang nagbayad ng gastusin nila sa hospital at sa kaniyang operasyon.

Sa loob ng ilang araw ay memoryado na ni Ciddie ang lahat ng bagay. Subalit mayroong bumabagabag sa kaniyang damdamin.

Kagabi lamang ay may napapanaginipan siyang mga kaluluwa ng mga batang humihingi ng tulong sa kaniya.

Sinubukan niyang sabihin sa kaniyang ina ang tungkol doon pero wala itong maisagot na maayos. Ang sabi lamang ay baka naninibago siya dahil ngayon lang siya nagkaroon ng mata.

Naglalakad ang binatilyo nang mga oras na ito kasama ng kaniyang ina't ama nang mapatanaw sa magandang sapatos at pansamantalang huminto roon. Tiningnan at pagkalipas ng ilang sandali ay naalala niya ang kaniyang ama't ina. Mukhang naiwan siya ng mga iyon. Lumabas siya sa puwesto na iyon at hinanap sila.

Nakatayo siya sa gilid ng kalsada habang inililibot ang paningin sa paligid nang may biglang huminto sa kaniya na isang van. Kulay puti ito. Medyo nagulat pa siya at bahagyang napaatras, nang lumabas doon ang dalawang lalaking naka-jacket at naka-bonnet na tumatakip sa mga mukha nila, tinakpan ng isang lalaki ang kaniyang bibig samantalang ang isa pa'y binuhat siya at isinilid sa sasakyan.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon