NO TO VALENTINES DAY
Isinulat ni Alex AscKumalat ang balita mula sa isang diyaryo na may pamagat na 'No to Valentines day'. Naglalaman iyon ng isang banta ng hinihinalang grupo ng mga gangster o yakuza.
'Di umanoy binabalaan ang lahat ng kalalakihan na sa araw ng Pebrero ika-labing apat ng gabi ay magkakaroon ng madugong patayan sa kahit saang sulok man ng kamaynilaan.
Pero ang tanging pinagbabantaan raw ay ang mahuhuli nilang pares o 'di kaya'y magkasamang nag-se-celebrate ng valentines day sa kahit na anong pamamaraan.
Kamatayan daw ang igagawad ng kriminal na grupong iyon sa mga lalaking mahuhuling lumabag sa kanilang banta. Pero ang mga babae ay bibihagin lang.
Nakakakilabot nga ang balita, ngunit kung iisipin naman ay napaka-imposibling mangyari iyon. Lalo't may sinusunod tayong batas dito sa Pilipinas.
Kung totoo man iyon, ay baka isang beses lamang mangyayari sa ilang pares. Mukang napakahirap naman kung lahat kamo na lalabag ay pagpapatayin nila.
Marami ang nakaramdam ng takot sa bali-balita na iyon pero marami rin ang tinawanan lamang.
"Yakuza? E, sa Japan lang iyon eh! Subukan nilang dalhin rito ang kalokohan nila, kundi maghihiram sila ng mukha sa aso!" sambit pa ng nagyayabang na si Kenzy.
"Malay niyo mga p're. Baka mamaya totoo pala 'yan," ani Abeth.
"Sooss... Maniwala ka, nang masayang ang gabing ibibigay na ng nobya mo ang langit sa 'yo!" pabiro naman ni Dan.
Tumawa naman ng malakas si Kenzy.
"Mga Pare, may isa pang sabi rito," ani Abeth ulit sa binabasang diyaryo.
"Ang mga hotel daw na hindi magsasara sa gabi ng valentines ay susunugin ng grupong yakuza..." Natigil si Abeth sa pagbabasa ng agawin ni Kenzy ang dyaryo at inihagis sa malayo.
"Hater ng valentines lang ang peg!" bulalas niya.
February 14, 2020.
Sa kabila ng bali-balitang pagbabanta ay hindi pa rin napigilan ang karamihan na idaos ang araw ng mga puso.
Mapupuno na naman ang mga resturant dahil sa mga romantic dinner ng mag-partner. Nagkaubusan na rin ng stock ang mga flowers shop dahil sa dami ng bumiling kalalakihan na iaalok sa kanilang mga kasintahan, kahit nga ang condom sa mga drugstore ay mabentang-benta rin. At lalo pa ang mga Hotel, Motel, Lodging house o kahit ano pa man kung saan maaaring magniig ang dalawa ay hindi rin patatalo. Ito kaya ang pinakakumikita kapag araw ng mga puso.
Ang mga babaeng ayaw pang isuko ang bataan ay dito na nila ibinibigay. Sa araw na ito sila napipilit ng mga matatamis at pangako ng mga kalalakihan. Pagkaraan kaya nito'y ganoon pa rin kaya ka-loyal ang mga nobyo sa kanilang mga nobya?
Kakatapos lang ng romantic date ng tatlong pares at nagmamadali na sila sa pagpasok sa motel. Mukhang hindi na sila makapaghintay at mukang mauubusan sila ng room. Kung sabagay, punuan nga naman ang bawat silid sa mga hotel kapag gabi ng mga puso.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 4
HorrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 4 Ikaapat na bahagi ng mga maiikling kuwento ni Alex Asc. Fiction stories, Aswang, Multo at Pantasya MGA NILALAMAN 1- Blackrose 2- Goryo, my hero 3- Flokko 4- Hiram na mga mata 5- Where is Leleng 6- Panambo 7- Man...