FLOKKO

612 16 0
                                    

FLOKKOIsinulat ni Alex Asc

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FLOKKO
Isinulat ni Alex Asc

Flokko is a designed drug that contains a chemical closely related to MDPV, a key ingredient in bath salts. The chemicals affect the brain similarly to cocaine and methamphetamine.

Sa depinisyon na ito, hindi nila batid na mas may dala pang panganib ang naturang droga.

Pauwi na si Vincent nang mga oras na ito mula sa kanyang trabaho. Paniguradong gutom na ang kaniyang mga kapatid na naghihintay sa kanya. May dala-dala na rin siyang letchong manok. Unang sahod niya kaya't ibig niyang dalhan ng masarap na pagkain ang mga mahal niyang kapatid. Matagal-tagal na rin silang hindi nakakatikim ng masarap na ulam.

Naulila sila mula sa aksidente ng kanilang mga magulang at naiwan sa kaniya ang mga maliliit na kapatid.

Mahirap lamang sila at nagpapasalamat siya ng lubusan dahil natanggap siya sa trabaho.

Naging tagalinis siya ng isang resort.

Salo-salo silang kumakain nang mapadaing bigla si Vincent. Nagtaka naman ang kaniyang mga kapatid. Muling nasundan ang kaniyang daing habang kinakapa ang braso. Mabilis naman sa paglapit si Benny upang tulungan ang kuya ngunit napaatras si Benny sa sunod-sunod na kumakawalang sigaw ng kanilang kuya.

Bumagsak na ito sa sahig habang namimilipit sa sakit. Hindi malaman ng magkakapated ang kanilang gagawin ngunit 'buti na lang, dumating ang kapitbahay nilang si Mang Goryo. Pinagtulungan nilang buhatin si Vincent at isinakay sa traysikel at dinala sa hospital.

Ilang oras ng nagwawala si Vincent at talagang nawala na sa katinuan. Kaya't napagdesisyonan ng mga doktor na ilipat ito sa mental hospital at doon muna gagamutin at pag-aaralan ang kaniyang tinamo.

Kahit nasa loob na ng mental ay hirap pa rin gapusin si Vincent dahil nagsisisigaw siya at sinusuntok ang mga tao.

Ayon sa pagsusuri, tinurukan daw ito ng drogang nalalapit sa tinatawag nilang Flakka na sadyang napakalakas raw ng epekto, ngunit mas kakaiba ang nakikita nila kay Vincent.

Naghihilamos nang mga sandaling ito si Dra. Felizah nang maramdaman niya ang pagkahilo.

Hindi niya maintindihan ang sarili pero umiinit ang kaniyang pakiramdam. Naghahalo sa kanyang utak ang mga masasamang pangitain, mga nangyaring masama sa kanyang buhay. Naiirita siyang nadidinig ang mga anak niyang naghahabulan.

Lumabas sa banyo at tumungo sa kanilang kinaroroonan.

Napansin naman ng asawa ang kakaiba sa misis kaya't nilapitan niya ito at tinanong, pero laking gulat ng lalaki sa naging anyo nito.

Mapulang-mapula ang mga mata na wari'y lulong sa droga, mabagsik ang titig nito na tila papatay ng tao. Unti-unting napapadaing ang babae, umaatungal at binubuka ang bibig, kaya't naalarma ang lalaki. Gagapusin sana ito ng lalaki pero itinulak ng babae.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon