GORYO, MY HERO
Isinulat ni Alex Asc
Historical fiction/Fantasy“Ibinigay sa akin ni Heneral ang lahat ng tauhan na maaring ilaan sa akin at inutusan niya ako na ipagtanggol ang paso. Nauunawaan ko kung gaano kabigat ang ipinagagawa sa akin, pero pakiramdam ko, ito ang pinakamaluwalhating sandali ng aking buhay. Wala nang sakripisyo ang hihigit pa sa gagawin ko para sa aking mahal na bayan.”
Tinapik ako ni Emee dahil tahimik lang akong nagbabasa ng libro, samantalang siya ay lamon lang ng lamon ng mga checheria.
"Tingnan mo best... ito 'yung huling taalarawan ni Gregorio... nakakaantig sa damdamin..." wika ko habang siya ay patuloy na nginangatngat ang pagkain na nasa kaniyang bibig.
Ibinalik ko na lamang ang tuon sa pagbabasa dahil hindi rin naman makakasagot. Busy sa paglamon.
"Alam mo, kung ako sa 'yo, tigil-tigilan mo na 'yang pagbabasa kay Gregorio. Naku naman wala ka ng inatupag kundi siya. Hindi nga siya fiction character pero ganyang taong sinaunang panahon ay malabo mo ng makasama sa personal," wari segunda niya sa akin
Aba, nagsalita ang loka, 'buti hindi nabilaukan.
Si Gregorio del Pillar o Goyong sa palayaw. Siguro, napaka-weird ko nga. Kung sila humahanga sa mga artista, singer, korean oppa o wattpad ficitional character, ako kakaiba dahil tanging kay Gregorio del Pillar lang ako humanga.
'Yung tindi ng sakripisyo niya para sa bayan. 'Yung tapang na ipinamalas niya upang protektahan ang inang bayan. Yung inalay niya ang kaniyang buhay para sa mamamayang pilipino... hinding-hindi 'yon matutumbasan ninuman.
At hindi lang 'yan. Sobrang na-cu-cute-an din ako sa kaniya. Sa mga larawan niya at rebulto niya. Siguro, Lihim akong umiibig sa taong nabubuhay sa nakaraan. Kakaiba nga 'no, hindi ko rin alam e. Basta kinikilig ako sa kaniyang mga imahe.
Kakatapos ko lang magbihis galing school. Nakatambak na naman ang labahan sa bahay. Nanenermon na naman ang madrasta ko na lagi na lamang nagmamaltrato sa akin. Iniwan kami ni Mama dahil sa hindi nila pagkakaunawaan ni Papa. Si Papa naman natanggap na magtrabaho sa barko at nakakailang buwan na roon, kaya't naiwan ako sa madrasta kong ubod ng sama ng ugali.
"Marialyn! Kanina pa kita tinatawag! Bakit ang bagal-bagal mong p*nyeta ka!" sinabunutan niya ako sa buhok at hinatak patungo sa labahan. Hindi na ako nakatiis, tinanggal ko ang kamay niya ngunit mas lalo siyang nagalit. Pinagsasampal niya ako, pero ginantihan ko rin siya. Nagsampalan kami at nagsabunutan ngunit 'di hamak na walang binatbat ang b*wesit na ito. Nilampaso ko siya sa sahig na akma namang pagdating ni Papa na nakatayo na pala sa bukas na pintuan.
Inakay niya ang babaeng nagsusumbong ng puro kasinungalingan.
"Sige! Maniwala ka sa kabet mong iyan! Kaya tayo iniwan ni Mama dahil diyan sa malanding iyan!!!" malakas ang tinig kung pumuno sa buong sulok ng bahay. Nagalit si Papa at napagbuhatan niya ako ng kamay.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 4
HorrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 4 Ikaapat na bahagi ng mga maiikling kuwento ni Alex Asc. Fiction stories, Aswang, Multo at Pantasya MGA NILALAMAN 1- Blackrose 2- Goryo, my hero 3- Flokko 4- Hiram na mga mata 5- Where is Leleng 6- Panambo 7- Man...