Dan's POVTanghali na ng matapos akong magluto. Inalis ko na ang apron at tinupi ito ng maayos bago ilagay sa gilid. Napailing nalang ako sa nakikita ko. Halos sakupin na ng apat na ugok na ito ang living room sa mga posisyon nila ngayon. Mabuti nalang hindi ako dito natulog dahil panigurado sasakit ang katawan ko sa mga sipa at tanday nila.
Malawak ang condo ni andy, pinasadya niya talagang lagyan ng dalawang kwarto dahil halos dito na kami tumira sa dalas namin dito matulog.
Napabaling ang atensyon ko sa taong lumabas sa isang kwarto. Medyo messy pa ang buhok niya, halatang kakagising lang. nakasuot Ito nang sando at maikling short. Litaw na litaw ang mahahaba at makikinis nitong hita. Diri diritso siya sa kusina at kumuha ng tubig sa ref. Napa crossarms ako.
"Pumunta kana naman ba doon?"
Tanong ko sa kanya. Si andy, siya yung tipo ng tao na mahirap basahin, malamig at distant sa iba. Madalang lang din ito kung magsalita, pwera nalang kong sipagin siya. Sa tuwing pumupunta ito doon ay alam kong may malalim na naman siyang iniisip at hindi iyon maganda dahil bumabalik na naman sa utak niya ang lahat.
Nagkibit balikat lamang ito pagkatapos niyang ubusin ang laman ng baso.
"Andy"
"Don't"
Inangat niya ang ulo at tinignan ako ng diritso sa mata, blanko lang ang nakikita ko sa berde nitong mga mata. At sa pagkakataong ito alam kong tapos na ang usapan namin. Napabuntong hininga ako. Inilapag nito ang baso sa lamesa at bumalik na sa kwarto.
"Wag ka ng mag-alala pa, wala naman siguro siyang maiisip na kalokohan ngayon"
Napapakamot sa ulo nitong sambit. Umupo siya sa sofa at ipinatong ang dalawang paa sa taong natutulog sa sahig. Napatingin ako sa kamay niya.
"Spill it max"
Batid kong may problema na naman ang mokong nato.
"Haist, bakit ba ang bilis ninyong makatunog"
Ginulo nito ang magulo ng buhok at tinignan ako. Sumeryoso ang mukha niya at ikinuyom ang kamao niyang may benda. Hindi man niya sabihin ay alam kong alam niya na din na batid na din ito ni Andy, kaya't alam kong may kalokohan na namang naisip ang isang yun. Sumandal ako sa sink and tilted my head.
"Kinuha nila si gale bilang ganti sa pambubugbog ko sa isang kasama nila"
Mahal na mahal nito ang kapatid. Alam ko yun dahil sa tanang buhay niya kapakanan ng kapatid niya ang iniisip niya. Pinagsabihan ko na siyang iwasan ang grupong iyon pero matigas talaga ang bungo dahil ang lider pa talaga nilang panget ang binalian niya ng kamay.
Napangisi ako. Mga bata talaga kung mag-isip ang grupong iyon. Kumuha ako ng isang pitsel na tubig at ibinuhos sa dalawang taong payapang natutulog sa sahig. Tulog mantika ang mga lintik.
"Aaaaah, pre nalulunod akoooooo"
Sigaw nilang pareho. Walang dudang kambal ang dalawa. Kung titignan sadyang nakakalito ang pagmumukha ng mga mokong na ito. Nagkakaiba lang sila sa kulay ng buhok. Ang may pulang buhok ay si Jude at dilaw naman ang kay jade. Isang malakas na batok sa ulo ang natanggap nila mula kay Andy, nakaligo na ito at nakabihis. Napangiwi ang dalawa sa sakit.
"Punasan niyo yang sahig ko, malinawag?"
Mabilis na tango lang ang sinagot ng dalawa. Lugong-lugo ang mga itong kumuha ng pampunas at pinunasan ang basang sahig. Nagbubulungan pa ang mga ito habang kinukusot ang mga mata.
Tiyak kong masakit ang ulo nila sa biglaang pagtayo at nadagdagan pa ng malakas na batok ni Andy.
Binuksan ko ang bintana ng kotse. Pinasadahan ko ng tingin ang mansyon na ilang metro din ang layo sa kinalalagyan namin ngayon. Nilagay ko ang earpiece sa tenga ko.
"Max anong nakikita mo?"
"Anim na bantay sa entrance, tatlo sa magkabilang gilid, dalawa sa labas ng gate at isa sa pintuan ng mansyon. May dalawang sniper din sa itaas"
Sagot niya sa kanang tenga ko. Nasa harapang building ito na dalawampung metro ang layo mula sa mansyon. Sa pagkakataong ganito si max ang maaasahan pagdating sa rifles.
"Na hack ko na ang mga cctv nila sa loob"
Sambit ni jade sa likod ko. Habang kinakalikot ang laptop niya.
"Pagpasok niyo sa loob ng bahay bubungad sa inyo ang tatlong hagdanan. Sa pangatlong hagdan sa kanan ang patungo sa kwarto kung na saan si gale. Pang lima ito sa kwartong madadaanan at.... ahm bad news"
Napa angat ang ulo ni Andy sa narinig.
"Bakit?"
Tanong ni max sa earpiece.
"Bukod sa dalawang bantay na nasa labas ng kwarto niya mayroon pang isang bantay na nasa loob nito at malaki laki siya, nasa 6'2 ang tangkad at bato-batu ang katawan"
Napapangiwing sambit nito. Hays mapapasabak nga ata kami ngayong araw.
Inayos na ni andy ang baril niya at inilagay ito sa likod. May mga silencer ang mga baril namin upang hindi makatunog ang mga tao na nasa loob.
"Let's go"
Maiiwan sa kotse si jade. Habang Kaming tatlo ni Andy at Jude ang papasok sa loob.
Sunod-sunod na tama sa ulo ang natamo ng dalawang bantay na nasa gate mula sa baril ni andy. Sinipa ko ng malakas gate at kasabay nun ay ang sunod-sunod na putok ng baril na galing sa amin. Tumba ang tatlong bantay na nasa gilid habang tumakbo pa loob ang bantay na nasa pintuan ng mansyon.
Tsk nakatakas pa. Nagpaulan na din ng bala ang mga sniper sa itaas. Nagtago ako sa isang poste.
"Max, patahimikin mo na"
Sambit ni Andy sa earpiece.
Bumukas ang pintuan at lumabas ang limang bantay. Sunod-sunod na putok ang pinakawalan ng mga ito. Kasunod n'un ay ang pagkahulog ng isang sniper mula sa itaas.
Napatingin ako sa dalawa kong kasama. Tumango si andy at kasunod n'un ay ang nakakabinging putukan sa paligid.
-------
-01-12-20
BINABASA MO ANG
I can't help it (Girlxgirl)
ActionMagulo, maingay, mga daing na tila ba musika sa pandinig, basagan ng mukha at mga dugong dumadaloy sa kamay ko sa tuwing nakakasuntok ako ng mga tarantadong maaangas ang mukha. Masarap sa pakiramdam na makita ang mukha nilang namimilipit sa sakit at...