Andy's POV
"Andy stop it, umalis na tayo dito"
Bulong sakin ni Dan, habang patuloy kong sinusuntok itong tukmol na nasa harapan ko. Ang lakas ng loob nitong magyaya ng suntukan wala naman palang binatbat. Wasak na ang mukha niya at bali na din ang kanang binti pero hindi padin ako kuntento.
Isang malakas na sipa sa sikmura ang iginawad ko sa kanya bago ko siya tinigilan. Bumuga ito ng dugo na ikinangisi ko. Kinwelyuhan ko siya at inilapit ang bibig ko sa kanang tenga niya.
"Wag kanang magpapakita sa akin"
Bulong ko dito na ikinanginig niya. Binitawan ko na siya at pinagpagan ang damit kong nagusot.
Maganda ang gabi at puno ng bituin ang langit, halatang hindi uulan ngayon.
"Ands, cool down muna tayo ngayon at baka makatunog ang mga kasama niya, masakit pa ang kamay ko"
Sambit nito habang panaka.nakang nakatingin sa side mirror, sinisigurong walang nakasunod sa amin.
Isang tango lang ang isinagot ko sa kanya at pinikit ko na ang mata ko, pinapakiramdaman ko ang lamig ng hangin na nagmumula sa labas ng bintana ng kotse. Maganda ang hangin sa labas, nagbibigay ito ng comfort sa akin. Mas napapagaan nito ang pakiramdam ko.
Isang malakas na busina ang nagpamulat sa akin kasabay non ay ang pagpreno ni Dan.
"sh*t"
Sambit nito na ikinatingin ko sa harapan ng kotse. Isang matangkad na babae ang tumatakbo papunta sa harapan ng kotse. Nakasuot ito ng itim na jacket na may hood dahilan upang hindi ko maaninag ang mukha niya, yumuko ito ng bahagya at kinuha ang aso niyang muntik ng masagasaan.
"Ano ba miss talian mo naman ng mabuti yang aso mo"
Sigaw ni Dan sa labas ng bintana.
"Pasensya na ho sir makulit lang talaga si baby lala ko"
Sambit nito at tumalikod na. Pinikit ko na ulit ang mata ko at sinimulan na din ni Dan paandarin ang kotse.
"Sa palagay ko maganda at sexy ang babaeng iyon, tsk hindi ko manlang natanong ang pangalan niya. Nga pala ands, sa condo mo kami matutulog ngayon"
Napabuntong hininga ako sa narinig, paniguradong manggugulo nanaman ang mga tukmol na ito sa condo ko.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa condo. Binuksan ko ito at hinubad ang jacket ko na kanina ko pang suot. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng maiinom.
Hinimas-himas ko ang dalawang malamig na beer sa kamay ko at sa bilang ng tatlo buong lakas kong ibinato ang isang can ng beer sa pintuan.
Sapol sa mukha ang isang tukmol na nagbukas ng pintuan, kasabay non ay ang daing niya. Umupo ako sa sofa at tinungga ang malamig na beer.
"Anak naman ng puta andy, sa lahat ng tatamaan mukha ko pa talaga, ang gwapo ko pang mukha"
Reklamo nito sabay himas sa mukha nitong namumula.
Tsk.Isang malakas na tawanan naman ang maririnig. Pumasok na din pala ang dalawa pang tukmol.
"Ang epic talaga sa tuwing nangyayari to max, palaging mukha mo ang target ni andy hahaha"
Sabay tawa niya at hawak sa tiyan, tila mawawalan na siya ng hininga kakatawa.
"Tama ka tol hindi na siguro matiis ni Andy ang pagmumukha ng gago hahahaha"
Sagot naman ng isa pang may saltik sa ulo at nagpagulong-gulong na silang dalawa sa sahig. Isang walang humpay na tawanan ang namayani sa paligid.
Hays mga tukmol talaga.
Napailing si max, kinuha nito ang beer na binato ko sa kanya at tinungga. Pinasadahan ko siya ng tingin, mukhang may mali.
"Oh tama na yan kumain na muna tayo"
Singit ni Dan sa kaguluhan, nakasuot ito ng apron na may design na hello kitty, may ribbon ito sa gitna at walanjo kulay pink pa, may hawak-hawak din itong sandok sa kabilang kamay.
Natigil saglit ang dalawa sa kakatawa, tila nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa condo ko, ngunit sandali lamang talaga iyon dahil-
"Hahahahahahahaha"
"tol mukha kang nanay na iniwan ng asawa hahahahahaha"
Hindi nalang gulong ang ginawa ng dalawang tukmol dahil pati ang pintuan ko dinamay nila. Sa lakas ng palo nila dito ay hindi nako magtataka kung mawalan na ako ng pintuan.
"Mga tukmol"
Malamig na banta ko sa kanila. Mabilis na tumahimik ang dalawa at inayos ang mga sarili. Nag-unahan pa ang mga ito sa kusina.
Tsk. Sasakit nanaman ang ulo ko sa kanila.Malalim na ang gabi nang maisipan kong lumabas. Tahimik na ang paligid at tulog na ang mga gago sa sofa. Sinuot ko ang cap ko at inayos ang leather jacket. Kinuha ko ang bike sa garahe at sinimulan ng magpedal sa ilalim ng malamig na gabi.
Napangiti ako sa katahimikan ng paligid. Tanging ilaw na lamang sa mga poste ang nagpapaliwanag sa daanan, iilang sasakyan nalang din ang makikita sa kalsada. Inayos ko ng bahagya ang sombrero at binilisan pa ang pagpepedal sa bisikleta.
Itinabi ko ang bisikleta sa gilid at sumandal sa malaking puno dito sa park. Luma na ang park na ito at kaunti nalang din ang mga pumupunta, which is good. Ayaw ko ng magulo. Pinikit ko ang mga mata at dinama ang lamig ng hangin.
"Stress kana naman ba"
Ibinaba ko ng kaunti ang sumbrero ko at hindi siya pinansin. Tumabi ito sa akin at isinandal ang ulo sa kanang balikat ko. Minulat ko ang mata ko at tinignan siya. Nakasuot ito ng puting t-shirt at itim na jeans. Nakalugay ang mahaba niyang buhok. Kapansin pansin din ang matangos nitong ilong at mahahabang pilikmata. Ngunit ang talagang nakakabighani sa babaeng ito ay ang malalim nitong dimple sa kaliwang pisngi.
"Patulog kahit saglit"
Mahinang sambit nito at ipinikit na ang mga mata. Napabuntong hininga ako at pinabayaan na lamang siya na manatili sa balikat ko.
----------------------------------------------------------
-ciao -,-
BINABASA MO ANG
I can't help it (Girlxgirl)
AçãoMagulo, maingay, mga daing na tila ba musika sa pandinig, basagan ng mukha at mga dugong dumadaloy sa kamay ko sa tuwing nakakasuntok ako ng mga tarantadong maaangas ang mukha. Masarap sa pakiramdam na makita ang mukha nilang namimilipit sa sakit at...