Andy's POV
Binuksan ko ng malakas ang pintuan ng office niya. Halos mapatalon sa gulat ang taong prenteng nakaupo sa swivel chair niya sa lakas ng impact non.
"Andy naman magkakasakit ako sa puso sayo"
Naka hawak sa dibdib na sambit niya. I stared at him intently. Ano na naman ang gusto ng matandang panot na ito sa akin. Sumandal ako sa likod ng pintuan at nag crossarms.
"Tigilan mo na ang pagpapapunta ng mga alagad mo sa akin"
Saglit itong natigilan at napailing. Sinalubong niya ang mga mata kong seryosong nakatingin sa kanya.
"Andy, twice in a row na tayong natatalo sa nationals dahil sa mga palpak mong team mates, kaya't napagpasyahan kong suyuin ka ulit na sumali sa team"
I don't give a damn to badminton anymore. Wala na akong interes na maglaro pa. I'm done with it a long time ago.
"I don't care"
Mabilis na tumingin ito sa akin na nakanganga ang bibig. Napakurap pa ito.
"Hindi mo kasi naiintindihan, masakit sa puso na umuwi sa prestigious school na ito na talunan at luhaan. Pagod na akong mag recruit ng mga freshmen at i-train"
Pinahid nito ang pisngi niyang wala namang luha. Anak nang.
"Pakiusap andy sumali kana ulit huhu"
At humagulgol na ito sa harapan ko, kumuha pa siya ng tissue at suminga. Tumalikod na ako at pinabayaan na siya doong magdrama. Hays bakit pa kasi umasa pa ako na makakausap ko siya ng matino.
"Andyyyyy"
Tuluyan na akong umalis sa office niya at ipinagsawalang bahala ang mga sigaw niya sa akin.
Simula nang araw na iyon ay hindi na tumahimik ang buhay ko. Akala ko ay hihinto na siya but damn I'm definitely wrong, dahil sa bawat tapak ko sa school na ito ay wala ding pakundangan ang pangungulit sa akin ng mga minions niya. Desperado talaga siyang mapasali ako sa team. Iba't-ibang gimik na din ang sinubukan niya at hindi na ako natutuwa. Sa inis ko ay sinapak ko na sa mukha ang isa.
"Anak ng tupa nakita niyo yung black eye niya sa kabilang mata? Dude ang laki haha"
"Bakit kasi naisipan niyang haranahin si Andy, nakatikim tuloy hahaha"
Hagalpak na tawa ng mga ugok kong kasama. Tahimik lang akong kumakain dito sa canteen ng biglang may siraulong kumanta sa itaas ng table, sinagad talaga ng loko dahil naka mic pa ito at may hawak na gitara. Typical manliligaw ang dating. Anong klaseng ipis kaya ang pumasok sa utak ng panot na yun at naisipan niya ang walang hiyang bagay na to. Siguro naman ngayon ay titigil na siya dahil baka sa susunod ay hindi nalang black eye ang makuha nila sakin. Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Nawalan na ako ng gana.
Hindi na ako pumasok sa last class ko at tumambay nalang dito sa field. Sumasakit na ang ulo ko sa kanila. Madami na akong problema sa buhay dinagdagan pa nila. Kinuha ko ang bag ko at hinigaan ito. Pinasadahan ko ng tingin ang langit. Napukaw ang pansin ko sa grupo ng mga ibon na lumalipad patungo sa kung saan man ay hindi ko alam. Siguro tulad natin ay uuwi na din ang mga ito matapos ang isang malayong paglalakbay.
"So this is where you hide all along"
Napakuyom ang kamao ko sa nahimigang boses. Hindi ko man siya tignan ay pamilyar na sa akin ang boses niya. Pati na rin ang amoy nito.
Anong ginagawa niya sa lugar ko?
Ibinaling ko ang tingin sa kanya, naka crossarms ito at kampante lang na nakatangin sa akin.
"I've heard coach Perez wanted you to his team"
Lumapit ito sa akin na naging sanhi ng aksidente kong paglanghap sa pabango niya. Umupo siya na ilang dipa din ang layo sa akin at inilagay ang bag sa tabi.
"I'm not interested"
Tipid na sagot ko dito. Ibinalik ko ang tingin sa mga ibon na lumalayo na. Hindi ko akalain na magiging interesado siya sa bagay na ito.
Don't tell me- a smirk form on my lips.
"Halata nga sa ginawa mo sa isang member ng team kanina"
Bahagya itong tumawa na ikinapikit ko.
Damn
"So are you gonna punch me also?"
Bakas ang mapanuksong ngiti nito sa labi. So tama nga ang hinala ko. Sa oras na makita ko ulit ang coach panot na iyon ay kakalbuhin ko na talaga siya. His playing games with me, dahil alam niya ang kahinaan ko, nagsisisi tuloy ako kung bakit nalaman niya pa ang sekreto ko dati.
Sh*t!
Sa sobrang desperado niya ay ginamit niya na ang huling alas niya which is.... this girl who's setting beside me right now wearing that playful smile on her face. In a snap ay mabilis ko itong hinila papalapit sa akin at isinandal sa punong nasa likod ko. Napasinghap ito sa gulat.
"What do you want?"
Saglit itong napakurap sa tanong ko. Sinalubong ng hazel nitong mga mata ang mata ko. Ngayon na mas malapit na siya sa akin ay pansin kong mas gumanda pa ito lalo kumapara dati. Napakunot ang noo ko sa naisip.
"I'm just interested on something"
Sagot nito.
Is she playing mind games with me?
Ang babaeng ito na minsan ko ng kinabaliwan dati ay hindi ko aakalaing mapapansin ang presensya ko ngayon. Nanatiling nakahawak ang dalawa kong kamay sa braso niya, inilapit nito ng bahagya ang mukha niya na ikinaatras ko.
"Kaya sumali kana andrianne"
Natigilan ako sa sinabi niya. Kailan niya pa nalaman ang buo kong pangalan. This girl is full of surprises ah. Napangisi ako.
"You know what? interesado din ako sa isang bagay"
Pinasadahan ko ng tingin ang mukha niya hanggang sa pumirmi ito sa mga labi niya which is slightly open. Way back then I was just contented on staring at her... and it reminds me of that day how badly i want to feel her lips on mine. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya na ikinalaki ng mata niya. Inilapit ko pa lalo ang mukha ko hanggang sa magtama na ang mga ilong namin, napasulyap ako sa mata niya na nakapikit na ngayon. And suddenly I was taken a back.
"Dy!"
Nagulat ako sa taong sumigaw sa malayo. Mabilis niya akong naitulak palayo sa kanya at inayos ang sarili. Kinuha niya na din ang bag niya at tumayo.
"Ahm- I'm going"
Hindi niya na hinintay pa ang sagot ko dahil mabilis na itong naglakad palayo sa akin. Napailing nalang ako.
What just happened?
"Dy kanina pa kita hinahanap- wait sino yun?"
Turo nito sa babaeng mabilis na naglalakad.
"Is that as-"
"Let's go"
Pinagpagan ko ang damit ko at na una ng umalis sa kanya.
--------------
01-30-20
BINABASA MO ANG
I can't help it (Girlxgirl)
ActionMagulo, maingay, mga daing na tila ba musika sa pandinig, basagan ng mukha at mga dugong dumadaloy sa kamay ko sa tuwing nakakasuntok ako ng mga tarantadong maaangas ang mukha. Masarap sa pakiramdam na makita ang mukha nilang namimilipit sa sakit at...