Part 8

40 0 0
                                    

Andy's POV

"Langya ang sakit ng pisngi ko tol"

Kasalakuyan kaming naglalakad  sa hallway ngayon. Maaga silang pumunta sa bahay ko hindi para sunduin ako kundi para manghingi ng pasalubong sa kapatid ko.

Ang kakapal ng mukha.

Nagtataka nga ako kung pano nila nalaman na umuwi na ang kapatid ko.

"Gago ka kasi pinaasa mo yung babae haha"

"Tol hindi ko siya pinaasa, nilandi ko lang. Hindi ko na kasalanan kung nahulog siya sa akin"

Napapailing na sambit ng isa.

Pagkatapos makuntento ng mga ito sa mga pasalubong nila galing sa kapatid ko ay dumiretso na kami dito sa school. But it turns out na may naghihintay palang sampal kay jade pagkadating namin sa gate. Naiwang nakanganga si Jade sa nangyari. Ni hindi man lang ito nakapagsalita nang sampalin siya ng babae. Pagkatapos nun ay umalis na din ang babae.
 

"Boyfriend ba yan ni Ashley?"

Napaangat ang tingin ko sa sinabi ni Jude. Napatigil si Jade sa paghimas ng kanang pisngi at tumingin sa locker kung nasaan ang dalawa.

I tilted my head. This was the same guy na kasama niya sa restaurant kahapon.

"Napansin ko kasi na palagi silang magkasama"

Dagdag pa ni Jude.

"Teammate niya yan sa badminton team. That's Rey Ventura. Ventura owned the famous shoe company which is the ACE brand, they have five branches here in the Philippines and they're working on adding another branch and sa New York naman "

Seryosong sambit ni Jade. Tahimik lang si Dan sa tabi habang nakapamulsa ang kaliwang kamay.

"Shit, sila pala ang may-ari ng suot kong sapatos ngayon?"

Jude said habang pinapasadahan ng tingin ang suot nitong sapatos.

"Bagay sila"

Kibit-balikat na sambit ni Max. Isang matalim na tingin naman ang natanggap nito galing kay Jade. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi na binigyang pansin ang dalawang taong nag-uusap sa locker.

Papasok na ako sa room ng may humarang sa harapan ko. Tamad na tinignan ko lang ito. She just stared at me intently.

"Umattend ka ng meeting mamaya. 4 pm sharp. Don't be late."

She said with a serious tone. Agad na din itong umalis pagkatapos. Kahit kailan talaga ang lamig niya.

Pumasok na ako sa room at umupo sa upuan ko. Ilang sandali pa ay pumasok na din siya sa classroom. Napasulyap ako sa pintuan nang sumilip ang lalaking naghatid sa kanya. Binigyan niya lang ito ng matamis na ngiti at kumaway sa lalaki. Pagkatapos niyang ilagay ang bag sa upuan ay umupo na din ito ng maayos. 

Nilagay ko ang earphone ko sa tenga at isinandal ang likod sa upuan. I don't know why but her scent makes me feel comfortable. I'm just staring at her habang busy ito sa pagsusulat sa notebook niya.

"Don't you know that staring is rude?"

Sinalubong niya ang mga mata ko. Lumapit ako sa kanya at inilagay sa kanang tenga niya ang buhok na tumatabing sa mata niya. She never changed ang ganda pa din talaga niya, lalo na ang mga mata niya.

"I was just appreciating a beautiful view in front of me"

Bahagyang namula ang makinis nitong mukha at agad na nag-iwas ng tingin sa akin. Ibinalik nito ang pansin sa notebook niya at nagpatuloy na lang sa pagsusulat but still nakikita ko pa din ang pamumula ng pisngi niya.

I can't help it (Girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon