Andy's POVNagising ako ng tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Nasa malawak na field ako ngayon nakikitulog sa isa sa mga punong nandito.
"Hello"
Sagot ko sa tawag.
"Baby andeng!"
Napakunot ang noo ko sa narinig.
"Mom-"
"Uuwi na kami diyan ng daddy mo sa mga susunod na araw!"
Kasunod n'un ay ang malakas na tili niya sa telepono, nailayo ko nang bahagya ang cellphone ko sa tenga. Hays nakakabingi talaga.
"Okay, tell Dad see yah"
Walang gana kong sagot at pinatay na ang tawag. Nasa malayong lugar sila ngayon at wala na kong balak pang alamin kung saan. Tumayo nako ng marinig ang tunog ng bell. Inilagay ko sa bulsa ang kaliwang kamay at nagsimula ng maglakad.
Tatlong araw na din ang nakakalipas simula nung iniligtas namin ang kapatid ni max. Hindi naman namin binalak na pasabugin ang mansyon nila, sadyang nangyari na lang talaga at wala na kaming ibang nagawa kung hindi ang pagmasdan ang nawawasak na bahay.
Lumiko ako pakanan ng mapansin kong may lumilipad na mineral water papunta sa akin. Mabilis ko itong iniwasan at sinalo sa kabilang kamay.
"Oops, namali ata ako ng bato"
Sambit ng taong nasa harapan ko na ngayon. Naka ponytail ang mahaba nitong buhok at nakasuot ng above the knee na skirt na bumagay sa damit niya. Inangat ko ang tingin sa mata niya at hinagis ang hawak ko sa trash can. Hindi na waglit sa tingin ko ang smirk na namuo sa labi niya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at nilagpasan ang babaeng amoy strawberry.
Pinihit ko ang doorknob ng classroom at pumasok sa loob. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan nito at naghanap ng mauupuan. Naglakad na'ko papunta sa upuang nakita ko at umupo. Hindi ko na binigyang pansin ang mga matang nakasunod sa bawat galaw ko.
"Oh my geeee, classmate natin si Andy my labs"
"Ang ganda niya talagaaaaaa"
"Nakaka-inlove talaga ang mga mata niya"
Impit na tili ng iba na ikinailing ko. Isang malakas na hampas sa lamesa ang nagpatahimik sa mga babaeng bubuyog sa paligid. Kasunod n'un ay ang pagbukas ng pintuan ng classroom. Pumasok sa loob ang babaeng nakita ko sa hallway kanina. Ibinaling ko ang atensyon sa labas ng bintana at nakita ko ang dalawang kambal na tumatakbo papasok sa school. Late na naman ang mga gago. Nilagay ko ang headset sa tenga at sumandal sa upuan.
Naramdaman ko na may umupo sa bakanteng upuan na katabi ng upuan ko at hindi sinasadyang maamoy ko ulit ang amoy nitong....
strawberry.
Napapikit ako.
"Ang sama mo Dan iniwan mo kami kanina, na late tuloy kami"
"Lumaki tuloy yung ilong ng prof namin sa galit"
"Hindi lang yun, nabingi ako sa sigaw niya. Hayop na yan nasira ata ang eardrums ko pare"
Ngawa ng dalawang kambal, habang tahimik lang ang isa sa tabi. Kampante lang itong nakasandal sa upuan habang iniinom ang juice na dapat ay sa akin.
Napabaling ang pansin ko sa taong papasok sa canteen. Nakalugay na ang buhok niya ngayon kumpara kanina.
"Siya si Ashley Monticello, filipino-american. Kaka.transfer lang niya kahapon pero ang dami ng nagpapapansin sa kanya at shit single siya dude"
Litanya ni Jade habang nakahalumbaba sa lamesa. Kapag babae talaga ang usapan hindi siya papahuli sa tsismis.
"New hot and gorgeous chic"
Sabat naman ng kambal niya. Kumagat ako sa sandwich na hawak ko. Kasabay non ay ang paglipad ng tissue papunta sa dalawa.
"Nakakarindi kayo"
"Putik max upakan kaya kita-"
Napatigil sila sa diskusyon ng may lumapit na babae sa table namin.
"Andy, ahm pa-para sayo"
Nahihiya nitong sambit sabay lapag ng strawberry juice sa table. Nakaramdam ata siya na kailangan ko ng maiinom ngayon. Ngumiti ito ng alanganin at nagmadali ng bumalik sa table nila. Tinignan ko ang juice at wala sa sariling ininom ito.
"Dude bakit mo ininom?!"
"Baka may gayuma yun!"
"Iluwa mo!"
Hysterical na sambit ng dalawa. I just shrug at inubos ang laman ng baso.
Tumunog na ang bell para sa huling subject ko ngayong araw. Hudyat na tapos na buong maghapon ko dito. Hinintay ko munang maubos ang mga tao sa loob ng classroom bago lumabas. Tahimik kong binabaybay ang hallway papunta sa parking lot. Iilang tao nalang din ang nandito ngayon. Nagmamadali lagi ang lahat na makauwi at maglakwatsa. Tila hinahabol nila ang oras na kung tutuusin ay hindi naman tumatakbo.
Pagdating ko sa parking lot ay ang naging hudyat din ng pagpatak ng ulan. Paunti.unti itong pumapatak hanggang sa lumalakas na ang bawat patak nito sa pagdaan ng bawat oras.
Isang pulang kotse ang pumarada sa harapan ko. Ibinaba nito ang salamin ng kotse at kumaway sa akin.
"Hop in"
Sambit ng babaeng nasa kotse. Malawak ang pagkakangiti niya dahil kampante siyang mapapasakay niya ako ngayon. Hays, bakit kasi hindi kotse ang dinala ko.
Sumulyap ako sa Honda CBR 1100XX blackbird motorbike ko. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at dinial ang number niya ilang rings lang ay sumagot agad ito.
"Kunin mo ang motorbike ko dito"
"Noted ma'am"
Pormal na sagot nito sa kabilang linya. Ibababa ko na dapat ang tawag ng may sinabi pa ito.
"Ah ma'am nakauwi na po pala sila ma'am Alexa at Sir Henry kanina lang"
Napakunot ang noo ko. Akala ko ba. As usual mahilig talaga ang dalawang matandang iyon sa surprise. Ibinaba ko na ang tawag at pumasok na sa loob ng kotse.
"Sa bahay tayo"
"I know"
Napatingin ako sa kanya.
"Well, tita alexa called me a while ago"
Sumulyap ito at kumindat sa akin. Damn.
---------
-ciao
BINABASA MO ANG
I can't help it (Girlxgirl)
AcciónMagulo, maingay, mga daing na tila ba musika sa pandinig, basagan ng mukha at mga dugong dumadaloy sa kamay ko sa tuwing nakakasuntok ako ng mga tarantadong maaangas ang mukha. Masarap sa pakiramdam na makita ang mukha nilang namimilipit sa sakit at...