Andy's POV
"Lorraine Oh my God iha you're here!"
Excited na sambit niya,sabay yakap niya dito. Akala mo naman hindi niya expected na pupunta kami.
"Marami akong ikukwento sayo iha"
"I'm excited to hear all of that tita"
Ngumiti ito na ikana litaw ng dimple niya sa kaliwang pisngi, humalik siya sa pisngi ni mom. Nang maghiwalay silang dalawa sa yakap ay sumulyap si mom sakin.
"Oh my! baby andeng ko, ang laki mo na anak!"
Dali-dali itong pumunta sa akin at yumakap ng mahigpit.
"Hon, 1 week lang tayo nawala"
Napapakamot sa kilay na sabi ni dad. Hindi ko alam kung bakit ubod ng OA si mom, iniwasan kong mapa roll eyes sa kanya.
"Kahit na! matagal na din yun"
Maktol nito. Hays Matandang hukluban na, nagmamaktol padin. Humiwalay na siya ng yakap sa akin.
"Ano baby na surprise kaba?"
May malaking ngiting tanong nito sa akin.
"Mom nice to see you too"
Humalik ako sa kanang pisngi niya, sumulyap ako kay dad sabay tango. Umalis na ako at pumanhik na sa kwarto. Inilagay ko ang bag sa study table at pagkatapos ay humiga na sa kama, ilang saglit pa ay biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko ito at sinagot.
"She's back Andy"
Bungad na sabi ni Dan sa akin. Pagkatapos ng nangyari ay kinalimutan ko na ang lahat, pati ang pagkagusto ko sa kanya ay ibinaon ko na sa limot ,ayaw ko nang makakita pa ng bagay na magpapaalala pa sa akin sa nangyari.
"What are you going to do?"
"Nothing"
Maikling sagot ko sa kanya. Alam kong nag-aalala siya pero nakalipas na ang lahat at wala na akong dapat pang balikan.Pinatay ko na din ang tawag pagkatapos. I don't care if she's back, ayaw ko ng mainvolve ulit sa kanya. Things do change, just like what I feel for her. I sighed..
Pagkatapos ng dinner ay napagpasyahan kong lumabas. Kinuha ko ang susi ng kotse at nagsimula nang magmaneho. Balak kong pumunta sa condo, doon muna ako matutulog ngayon. I feel suffocated sa kwarto ko, hindi ako makakapagpahinga doon. Sa bahay na din nagpalipas ng gabi si Lorraine since madami nga daw silang pag-uusapan ni mom. Hays.
Pagkarating ko sa building ay sumakay na ako sa elavator. Nakayuko lang ako habang hinihintay ang floor kung nasaan ang condo ko. Ilang minuto pa ay bumukas na ang pinto ng elevator, lumabas ako at nagsimula na din maglakad. Pagkatapat ko sa pinto ng condo ko ay may na amoy akong pamilyar sa akin.
Strawberry...
Napasulyap ako sa kaliwa at bumungad sa akin ang babaeng matagal ko ng nilimot. Binubuksan nito ang pinto ng condo niya na ilang hakbang lang ang layo mula sa akin. Namanhid ata ang katawan ko at hindi ko na maigalaw ang kamay kong nakahawak sa doorknob. Nang nakita ko ito sa hallway kanina ay pinilit kong wag siyang bigyang pansin.
Saglit itong napatigil sa pagbubukas ng pinto ng mapansin niyang may nakatingin sa kanya. Tumingin ito sa gawi ko at nagtama ang mga mata namin. Bakas ang gulat sa maganda niyang mukha, lumaki din nang kaunti ang kulay hazel niyang mga mata wari hindi siya makapaniwala na makikita niya ako sa lugar na ito. Binuksan ko na ang pinto ng condo ko at pumasok sa loob.
Dumiretso ako sa sa kusina at kumuha ng beer sa ref. Pasalampak akong umupo sa sofa at ininom ang beer sa kanang kamay ko. Hays. Malas."Andy sige na sumali ka na oh, gagawin ko lahat sumali ka lang"
Pagsusumamo sa akin ng taong nasa gilid ko. Kakapasok ko pa lang sa gate ng school ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang mangulit sa akin. Konting konti nalang talaga ay masasapak ko na ang damuhong to. Patuloy lang ako sa paglalakad habang nakabuntot sa akin ang isa.
"Andy kailangan ka ng team namin maawa ka"
Huminto ako sa pintuan ng classroom ko at pumasok na sa loob. Kasalukuyang nag didiscuss ang instructor ko nang pumasok ako. Pumunta ako sa upuan ko at umupo.
"Andy please-"
"Mr. Rodriguez, you are not allowed in this class, get out!"
Nangangalaiting sigaw ng taong nasa harapan. Napahinto siya sa pagsunod sa akin at humingi ng sorry sa prof ko. Mabilis itong tumalikod at lumabas ng classroom. Napabaling ang atensyon ko sa empty seat na katabi ng upuan ko.
Why does it seems so strange na walang katabi. Napabuntong hininga ako.
"Ands ginugulo ka daw ni Diego"
Lunch time na ngayon at naisipan nila na dito kumain sa field may dala daw kasi silang baonan na ikinataka ko, mas tamad pa ata ang mga ito kay juan. Paniguradong bigay lang ito ng mga bulag na babaeng patay na patay sa kanila.
"Pinapasali siya ni Diego sa badminton team"
Sagot ni Jude sa tabi habang puno ang bibig ng ulam na kanina niya pa pinapapak. Napatingin ako sa gawi ni Max na kasalukuyang nilalantakan ang carbonara na paborito ni Jade.
"Walang hiya ka talaga Max, inubos mo ang carbonara ko, bigay pa naman yan nang seksing babae kanina"
Sigaw nito, sabay bato niya ng takip ng tupperware kay Max. Mga isip bata talaga.
"Si Andy ang nag champion sa international dati"
Napatingin ako kay Dan na kasalukuyang binabalatan ang orange na napulot niya sa tabi ni jude. Napaayos ng upo ang dalawang nagbubugbugan sa tabi at napainom naman ng tubig ang isa.
"The hell bakit hindi ko ito alam."
Hindi makapaniwalang sambit ni Jade. Pinagpagan ni Max ang nagusot na damit at inayos ng upo.
"Palibhasa kasi puro babae ang iniisip mong tukmol ka"
"Eh kung sapakin ko kaya yang panget mong mukha-"
"At si Ashley Montecillo ang nag second place"
Tuluyan ng nabilaukan si Jude habang ngumunguya ng pagkain. Tinignan nila ako ng naglalakihan ang mga mata. I just shrugged at umalis na sa field. I need to do something more important..
----------
01-19-20#specialday
BINABASA MO ANG
I can't help it (Girlxgirl)
ActionMagulo, maingay, mga daing na tila ba musika sa pandinig, basagan ng mukha at mga dugong dumadaloy sa kamay ko sa tuwing nakakasuntok ako ng mga tarantadong maaangas ang mukha. Masarap sa pakiramdam na makita ang mukha nilang namimilipit sa sakit at...