Dan's POV
"Dy, the hell sumali kana pala ulit sa badminton team?"
Napatigil ako sa pagsusulat dahil sa narinig. Puno ng pagtatakang tinignan ko si Andy.
"Sana sinabihan mo kami para nakapag cheer kami sayo. Sayang naman, na miss tuloy ng mga kasama mo ang chance na makita ang awesomeness ko"
Taas baba ng kilay na sambit ni Max.
"Bakit nagbago ang isip mo?"
Tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng bintana but i can tell that she's not in her usual self right now, the way her hand form into a fist and what surprise me more is that naguguluhan siya, which is not likely to happen.
Ito ang unang pagkakataon na nagpakita ito ng ibang emosyon bukod sa galit, after how many years. Sanay na ako sa pagiging cold at emotionless niya pero sa oras na ito she's showing different emotions.
Base sa nakikita ko ngayon ay mukhang nalilito siya at naiinis sa isang bagay na hindi ko mawari kung ano.
Well hindi na ako masyadong nagulat sa ginawa niya. Kahit na nagsabi pa itong wala siyang gagawin ay alam kong hindi padin nito mapipigilan ang sarili lalo na't pagdating sa kanya.
Ibinaling ko na ulit ang atensyon sa sinusulat ko. Malapit na din naman itong matapos kaya lang.. paano ko nga ba ibibigay 'to sa kanya?
Bahala na nga
"Tol kita mo 'yong fire works? haha 30 points na sa'kin, naabutan na kita"
Napatingin ako sa dalawang maingay na naglalaro sa gilid ko.
"Anak ng-"
Marahas itong tumayo at napa padyak sa inis. Na naging sanhi ng malakas na ingay mula sa upuan niya.
"Nalowbat pa ang walang'ya! Hindi tuloy na record ang score ko!"
Frustrated na pamomoblema niya habang pinipindot ang patay na cellphone.
"Ssssh"
Pangatlong warning ng matandang babae sa front desk. Paubos na ata ang pasensya niya kaya't binigyan nito ng matalim na tingin si Jude mula sa pwesto niya.
Shit nakakatakot ang mga tingin niya.
"Haha Paano ba 'yan bro, sa akin na 'yong chiks huh"
Ngising asong sagot naman ni Jade. Tiyak kong nagpustahan na naman ang dalawang 'to at talagang ginamit pa nila ang games sa messenger para sa kalokohan nila.
"Mga gago ma karma sana kayo"
Pangongonsensya ni Max sa dalawa.
"Dude hindi uso ang karma sa kagwapohan ko, for sure mahihiya 'yon"
Mayabang na sagot ni Jude sabay ngiti ng labas ang ngipin. Ani moy nag kokomersyal lang ng toothpaste ang letse.
"Pwe! kung paduguin ko kaya yang bunganga mong mais ka. Ang panget mo"
"Upakan kaya kita. Mas panget ka!"
Nakaamba ng suntok na sagot ng isa.
"Quiet!!?"
Malakas na sigaw ng librarian sa kanila. Inayos ko na ang mga gamit ko at mabilis na inilagay ang mga ito sa bag, dahil alam ko na ang susunod na sasabihin ng matandang 'to.
"All of you get out!"
"Langya kayo 'di ko tuloy natapos ang mga gagawin ko. Ang iingay ng mga bunganga n'yo"
BINABASA MO ANG
I can't help it (Girlxgirl)
ActionMagulo, maingay, mga daing na tila ba musika sa pandinig, basagan ng mukha at mga dugong dumadaloy sa kamay ko sa tuwing nakakasuntok ako ng mga tarantadong maaangas ang mukha. Masarap sa pakiramdam na makita ang mukha nilang namimilipit sa sakit at...