Kaylee's POV
"You can go now"
Mahinang sambit ko sa mga kasama ko sa student council room. Almost seven na din ng gabi, kailangan na din nilang umuwi at magpahinga. Lucky for them, malaya silang humilata sa kama pagdating sa bahay but as for me nah.
Kanina pa ako tinatawagan ni mom, bombarded na din ng sandamakmak na text messages ang cellphone ko galing sa kanya, saying na kung hindi pa ako uuwi ay siya na mismo ang mag.uuwi sa akin.
Dumating na kasi si dad at meron daw kaming importanteng bagay na pag-uusapan. Important thing my ass. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nila ang presensya ko doon, kahit ano namang sabihin ko ay hindi nila pakikinggan. Nasa kanila padin naman ang huling desisyon at ang tanging participation ko lang ay ang makinig at tumango sa lahat ng mga sasabihin nila.
Maybe they just need an audience na papalakpak sa speech ni dad. Napasandal ako sa upuan at hinilot ang kamay kong kanina pa pumipindot sa laptop. Actually hindi lang kamay ko ang pagod pati na din ang buo kong katawan lalo na ang utak ko at ang tanging kailangan ko lang ngayon ay ang matulog ng mahimbing sa bed ko na imposibleng mangyari dahil sa importanteng bagay na yan.
The upcoming anniversary is killing me. Ang daming dapat gawin at isipin. Dumagdag pa ang mga palpak kong subordinates sa council na kahit simpleng instructions ay hindi nila masunod ng maayos. Sumasakit ang ulo ko sa kanila.
Mabuti na lang at vice ko si Andy, I can count on her. Though hindi ito umaattend lagi ng meeting na sobra kong ikinakabwesit, she's still doing her part. I will just email everything na kailangan niyang gawin ay mabilis din naman niya itong natatapos.
Ng makaalis ang lahat ng tao sa room ay inayos ko na din ang mga gamit ko. I locked the door behind me and bring myself in the parking lot. Nakita ko si mang Ramon na nakatayo sa gilid ng kotse habang hawak ang cellphone niya.
"Mang Ramon let's go"
"Ahh ma'am, pasensya na po kayo at hindi ko po kayo maipagmamaneho ngayon"
He said hesitantly. Napakunot ang noo ko sa kanya.
"Manganganak na po kasi ang asawa ko at wala po siyang kasama sa bahay kaya't kailangan ko po siyang puntahan"
Napabuntong hininga ako. The thought of sleeping on our way home disappeared as fast as it came. Matagal na naming driver si mang Ramon siya at si manang elsa lang ang maasahan ko sa bahay. I owe them big time dahil sila na halos ang nag.alaga sa akin simula pa nung 10 years old ako, when my parents are both busy with their own stuffs, kaya't hindi ko pwedeng ipagkait sa kanila ang mga ganitong ka-importanteng bagay.
Kumuha akong ng pera sa wallet at iniabot sa kanya.
"Pamasahe niyo po, mag taxi nalang po kayo para mabilis ninyong mapuntahan ang asawa niyo"
Hassle na kasi kung maghihintay pa siya ng jeep baka may mangyari pang masama sa asawa niya kung matatagalan pa siya.
"Ay nako hindi ko po ito tatanggihan ma'am, maraming salamat po, pagpalain po sana kayo"
Puno ng sinseridad na sambit niya sa akin. I hope dad will also appreciate my efforts just like what mang Ramon did.
"Sige na po, puntahan niyo na po ang asawa niyo"
Ngumiti lang siya sa akin at nagpaalam na din ang huli. Bagsak ang mga balikat na inilagay ko ang mga gamit ko sa loob ng kotse at umupo sa driver's seat.
When I was on my way home ay biglang gumewang ang kotse ko.
Shit flat tires.
Iginilid ko muna ang sasakyan at pinatay ang makina bago lumabas sa kotse. Tinignan ko ang gulong sa likod at nakita ang malaking butas nito. Damn it, bakit ngayon pa. I fetch my phone on my pocket and compose a message to mom ng biglang namatay ang cellphone ko. Malas talaga ako ngayong gabi.
BINABASA MO ANG
I can't help it (Girlxgirl)
ActionMagulo, maingay, mga daing na tila ba musika sa pandinig, basagan ng mukha at mga dugong dumadaloy sa kamay ko sa tuwing nakakasuntok ako ng mga tarantadong maaangas ang mukha. Masarap sa pakiramdam na makita ang mukha nilang namimilipit sa sakit at...