Andy's POV
Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang babaeng pa kanta-kanta habang nagluluto. Actually kanina ko pa gustong umalis dito sa pwesto ko ngunit sa kasamaang palad, nakailang attempt na din ako, pero palagi niya lang akong nahuhuli at pagtataasan lang ng kilay.
Itinapat nito sa bibig ang hawak na sandok at inihanda ang sarili sa mataas na part ng kantang listen. Trying hard talaga siyang maabot ang mataas na nota, kulang nalang lumabas ang mga ugat niya sa leeg.
Kumagat ako sa apple na hawak ko at pinabayaan siyang mabilaukan sa sariling laway. Mas kaaya- aya pang tignan ang mansanas kesa sa kanya.
"Hi babe!"
Nakangiting banggit niya at walang pagdalawang isip na kinagatan ang mansanas ko. Napakunot ang noo ko sa nabawasang prutas.
"Miss me?"
Mula sa mansanas ay napaangat ang tingin ko sa kanya.
"Ang landi"
Pabulong na komento ng taong nasa kusina.
"May naririnig kaba babe? Parang may nagseselos sa tabi"
A mischievous smile crept on her lips. Nakakapagtakang ngayon lang siya nagpakita gayong no'ng isang araw pa dumating ang kapatid ko.
"Dream on loreng"
Malakas na tawa lang ang naging sagot ng babae. Umikot ito sa counter at nilapitan ang kapatid ko.
Nabitawan ni Mel ang hawak na sandok ng bigla siya nitong hapitin sa bewang."Don't be too obvious love"
Bakas ang gulat sa mukha ng isa at hindi sinasadyang mapahawak sa dibdib ni Lorraine.
"Bitaw"
Matiim na utos ni Mel habang sinisikap na makawala sa mahigpit na hawak ng babae.
"Can we just stay like this forever?"
Para akong nanonood ng sine sa eksenang nasasaksihan ko ngayon. Ang romantic nakakasuka.
"Sure"
Mel release a sweet smile na nagpangiting tagumpay naman sa isa. And without a warning ay inapakan nito ng ubod ng lakas ang kaliwang paa ni Lorraine.
"Ouch! What the!"
Mabilis na napabitaw ito kay mel at napakapit sa edge ng counter.
"Serves you right"
Nakangising sambit niya at nagpatuloy na sa ginagawa. Lihim na napamura naman ang isa sa sakit habang binibigyan ng matatalim na tingin ang nakatalikod na babae.
Napailing na umalis nalang ako. Itinapon ko muna ang mansanas sa trash bin at pumunta sa garahe. Sinuot ko ang helmet at umangkas sa motorbike.
Napatingin ako sa side mirror ng mapansin ang black Honda na kanina ko pa napapansing sumusunod sa akin. Lumiko ako sa kabilang side ng kalsada na walang masyadong dumadaang sasakyan at binilisan ng kaunti ang takbo ko.
Napansin kong binilisan din ng mga ito ang takbo nila. Kung may matino silang pag-iisip ay hindi sila magpapaputok sa lugar na maraming makakakita. Nang makita kong may u-turn sa di kalayuan ay inikot ko ang motorbike ko dito at mas binilisan ang takbo.
A smirk curve into my lips ng sumunod sila akin. I adjusted my speed at lumiko sa isang eskinita. Ng maabot ang dead end ng makipot na daan ay inihinto ko ang motorbike at inilagay sa gilid ng poste. Hinubad ko ang helmet at pinabayaang bumagsak ang mahaba kong buhok. I'm sure na hindi nila mapapasok ang kotse nila dito, so I patiently waited for them.
BINABASA MO ANG
I can't help it (Girlxgirl)
ActionMagulo, maingay, mga daing na tila ba musika sa pandinig, basagan ng mukha at mga dugong dumadaloy sa kamay ko sa tuwing nakakasuntok ako ng mga tarantadong maaangas ang mukha. Masarap sa pakiramdam na makita ang mukha nilang namimilipit sa sakit at...