Chapter Ten

16 0 0
                                    


Chapter 10

Daniella's

It was already 8pm.

Time flew so fast, sa sobrang nag enjoy akong kausap si Nick I didn't even notice it was already 8pm. Ang dami na naming napagusapan, From weird animals to our favorite food. Parang ang saya lang isipin na kausap mo ang isang tao ng komportable. Parang hindi talaga ako naiilang sa kanya. Walang bahid ng judgement ang reactions niya. At parang sanay na Sanay talaga ako sa presence niya. His replies doesn't need to be sugarcoated anymore because his voice is very attractive. When i say very, i mean VERY ATTRACTIVE.

Yung tipong pang ringtone na gigising sayo sa umaga. YUN. 

Hindi ko talaga inakala na during this trip, may makilala at makakausap akong lalaking may-ari ng hotel na, and at the same time, isang painter at isang gwapong BINATA.

"By the way, ang ganda ng mga paintings mo! No joke! I was even planning to consult you kung pwede akong bumili ng mga paintings. I really like them," totoo naman talaga. Since the first time I laid my eyes on those paintings, I feel in love with them. Parang connection talaga sa akin. 'Di ko rin ma-explain eh.

"Sure. You can come over to my showroom para makita mo yung iba ko pang works. I did't expect that you would like my paintings." Pagpayag niya. Wow may showroom Talaga siya! Meaning, he still has a lot of paintings. Grabe!

" Ano ka ba, your a great artist Nick. Dont worry iplu-plug ko yung works mo sa mga friends ko para ma discover nila kung gaano ka kagaling." Sabi ko. Kasi feeling ko magugustuhan to nila Tina at Ar, kasi sila lang naman mahilig sa art eh. Pero sigurado akong magugustuhan rin nina Ish at Elle, hindi ang mga paintings, kundi si Nick mismo. Hays. 

"Wag na, its okay. I'd rather stay lowkey. Thats they way I want my art to be appreciated." Sabay inom ng kanyang inumin. 

What a great artist! Hindi tulad ng iba na fame lang talaga ang habol at yun ang motivation nila sa pag paint, pero ang isang to mas gusto pang mag stay in behind the curtains. Siguro dahil mayaman na siya? Pero he doesn't seem like that type of person.

Or siguro na kamit na niya ang gusto niyang marating? 

"Siya nga pala. I remembered the guy who brought the food you made. Do you know him?" Tanong ko, kasi bigla kong naalala ang nangyari kanina kayla Tina. Sino nga uli yun? Jacques? Jacks? Jackson? 

"Yeah. He's one of my friends" Sagot niya. 

Ahh okay friend nya pala. 

"Ah ganun ba. Kasi, parang boyfriend sya ng isa kong friend eh. We had lunch together kanina. Tapos ang weird niya lang." Bigla namang nagdikit ang kanyang kilay. Anong nangyayari sa kanya. Sabi ko lang naman na ang weird nung Jacks.

"Why? What did he do to you? Fuck that Fuego! I only asked him to bring you food. I'm going to call him now." At padabog niyang kinuha ang cellphone nya galing sa kanyang bulsa. Hala! Ang OA naman! Nakakahiya kay Jackson! Before he can do anything, I shouted.

"NO STOP!" Sabay hampas sa table ng mahina, sapat lang para makuha ang attensyon niya. Pero nagulat ako sa naging reaksyon niya.

"Okay." Umupo nalang siya pagkatapos ay binalik ang phone sa kanyang bulsa. 

Ganun lang? Sumunod sya agad? Parang asong pinaamo ang mukha niya ngayon. Parang magiging isang mortal sin kung hindi niya ako sinunod. Nahawaan ba ako ng motherly powers ni Abby?

"Wala naman siyang ginawang masama. Nakakatawa lang kasi weird siya mag tagalog. Parang maypagka-slang. Yun lang naman yung na weirdohan ko sa kanya. Wag kang OA. AHAHAHAHA" Pagpaliwanag ko sa kanya. I kept explaining pero hindi ko mapigilang tumawa dahil naka straight face lang siya habang nakikinig sa akin. Parang batang pinapagalitan ng nanay. AHAHAHAHAHA!

SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon