Chapter Seventeen

4 0 0
                                    


Chapter 17

Daniella's



Hindi ko alam kung paano ako napunta sa isang malambot na kama. Gumalaw-galaw ako dahil pakiramdam ko masyado Akong napagod sa pagtakbo ko kahapon. I flinched when I suddenly heard his voice.

"Good morning, love. I made some breakfast" Bati ni Nick sa akin habang naka apron. At literal na apron lang ang suot pero syempre may suot syang shorts! Grabe hindi ako makapaniwala sa nangyari. I was stunned for a moment dahil itong lalaking nasa harapan ko ay asawa ko. 

What the hell! Noong isang araw crush ko lang 'to tapos ngayon hubby ko na? 

"Good morning din. Sorry, naging pabigat ako. Sana 'di nalang ako tumakbo, now my friends are probably disappointed in me." I greeted him back. I was too impulsive. Dapat pala pinag-isipan ko muna bago umalis. Even though they spared me from my harmful memories, they still do care for me.

"Mas masaya nga siguro sila na nandito ka kasama ako." Sabi ni Nick.

Huh? Bakit? Ganoon na ba nila kagusto na mawala na ako? Para matapos na rin ang pagsisinungaling nila sa akin?

"Okay."

"Okay? You wouldn't ask why?" Nagtatakang tanong ni Nick sa akin. Nakatayo pa rin siya sa paanan ng aking higaan, nakatitig sa aking mga mata. "Before that, tumayo ka na muna diyan. Let's go eat some breakfast first." Hindi ko siya sinunod. Nanatili akong nakahiga sa kama at gumulong sa gilid para maiwasan ko ang tingin niya.

I wasn't in the mood to talk about all these stuff right now. Medyo nagka-avalanche ng memories sa utak ko dahil kay Tina. Pinaalala niya sa akin lahat. Lahat ng dapat 'kong malaman para mabuhay, para talunin ang kalaban.




✎✎✎✎


"I really hope you're happy now Dani."

Fortunately, I am. And I don't want this happiness to end anytime soon. Pero hindi ko man hingin ang kalungkutan kusang darating naman ito. Hindi nga lang sa ngayon. O hindi nga ba?

Aalis na sana Ako sa tabi ni Tina pero pinigilan niya ako. Hinablot niya ang kaliwang kamay ko nang akmang lalayo na ako sa kanya. Muli nagkaharap kaming dalawa. Bakas sa kanyang mga mata ang takot at pag-aalala. She looks scared. Anong mayroon-

"Dani.. I have.. I have something important to tell you. Please, I need you to cooperate with me." Seryosong sambit ni Tina.

"Bakit? Anong nangyayari?" Tanong ko sa kanya. Nalilito ako. Ano ba ang problema?

"Your kuya.. He's.. He's planning something hideous. Napakasama niya talaga." Saglit siyang napatigil sa mga sinasabi niya dahil sa bigla niyang paghikbi. Huminga siya ng malalim at muling nagpatuloy. "Ipapapatay niya si Nick, ngayong nagkita na uli kayo."

Ano? Bakit naman gagawin 'yon ng kuya ko? Impossible naman ang pinagsasabi ni Tina. I have never heard my kuya do anything illegal! And killing somebody? Wow, grabe namang prank 'to kung sakali.

"You're kidding right? Prank ba 'to? Am I supposed to fall for this trick?" Sabi ko. I let out a small chuckle. I just couldn't imagine this being true. Kung joke talaga 'to they're doing a great job because I almost fell for it.

SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon