Chapter 16
Daniella's
Nakabalik na kami sa hotel. It was literally a tiring day pero naisipan pa talaga nilang maligo sa beach. Well, I was up for it too. Might as well savour the moment. Baka mamaya kapag nakauwi na kami sa city pagsisihan ko 'to.
It's already past noon, tagiktik ang init.
My friends were already submerged in the glistening waters of this beautiful paradise. Laughing, smiling, and happily spending their time with their significant other. Hindi ko maitatanggi na naiinggit ako sa kanila. Just by seeing them contented with what they have now, I feel at peace. Kahit ito nalang muna ang isipin ko. Kahit wag muna ako.
I am a lot of work. Kahit na pilit ko pang itanggi, napaka-complicated ng buhay ko. Who would want to take care of a girl that doesn't remember her life? Ni hindi ko maalala ang mga magulang ko. Since the day I woke up from coma I felt nothing but contentment, thanks to the people who care for me. Nandiyan palagi ang kuya ko, ang pamangkin ko, at ang mga kaibigan ko to help me out. They openly welcomed me to their lives again without a single bit of hesitation. And I'm eternally grateful for that.
But contentment can't be my source of happiness.
Nararamdaman ko na ako yung taong hindi nag se-settle for less. I want the best in everything. The minimum would not provide me the satisfaction I need. At oo, tinago ko 'to sa sarili ko. Selfish na kung selfish pero buhay ko naman 'to diba. I couldn't care less about people butting into my life.
Putanginang amnesia.
With no idea of what life would be if my memories return, I ran towards my friends.
"Dani bilisan mo na! Kanina ka pa namin hinintay!"
I respect their patience. Kahit anong tanong ko handa silang magbigay ng sumagot. I should be thankful for that. Ngunit hindi nila kasalanan na hindi ako kuntento sa buhay ko. None of them are at fault. Pasalamat nalang ako na nandito pa rin sila para sa akin.
"Ano pa bang tinatayo mo diyan Daniella! Lumangoy ka na dito!"
They were with me when I was literally nothing. But were they supplying me with the truth? Sa mga panahon na nanghihingi ako ng sagot ang buong akala ko wala silang kahit na anong tinatago mula sa akin. I trusted them when I was lost, followed their directions, let them lead me the way. But in the end the path that I pursued with their guidance was not the path I would've chosen.
Unti-unti ko nang aaalala ko na ang lahat.
"Hoy! Earth to Daniella Amour Zamora! Tama na ang drama lapit na dito!"
Oo nga. Tama na ang drama. Ayoko na makulong sa sarili kong mga alaala. Just by thinking about the past drains me. Nagsisi na ako kung bakit nakaalala pa ako. Sana hindi nalang ako nakaalala. Sana hindi na muna ako nakaalala. Sana.
Sana hindi totoo itong mga alaala ko.
The cold wind brushing against my skin helped me eased my regret of running away. Hindi ko na maalala kung anong nangyari basta naramdaman ko nalang ang sarili ko na hinihingal at tumatakbo. I ran away from my friends and my haunted past.
Sa munting sandali na natulala ako ay bumalik ang aking mga alaala. Hindi man lahat kundi sapat na para malaman ko kung ano ba talaga ang nangyari sa akin. Kung sino ba talaga ako. Kung kaibigan ba talaga nila ako.
Sa ngayon hindi muna ako tumitigil sa pagtakbo. Hindi ko na alam kung nasaan ako. Parang noong pag gising ko noong comatose pa ako. Bumalik nanaman ako sa una.Kaya ko pa ba? Hinihingal na ako at ni katiting ay hindi ko kabisado ang lugar na 'to. I wasn't sure if I was far enough, but I no longer hear their voices screaming my name.
Tumigil muna ako ng saglit. Not even feeling any guilt.
Maybe I deserve this.
Dumidilim na ang paligid. Shit! I didn't bring my phone with me!
"Daniella"
May tao sa likod ko. Paano niya ako nahanap? Bakit niya ako hinabol? I want to be alone. He's nothing but a stranger!
"Nick. Bakit ka nandito?" I asked him with a bit of frustration in my tone.
"You ran away without any word. I was worried you'll get lost." Sagot niya. Tinitigan niya ako. His eyes were full of worry and anxiousness. Bakit pa ba 'to nandito. Akala ko.. Akala ko tapos na kami.
"Bakit ngayon lang." Tanong ko sa kanya. Malapit nang bumigay ang aking mga mata sa sobrang galit at pagkadismaya. Nakakapagod mabuhay.
"What do you mean-" pinutol ko ang kung ano man ang sasabihin niya. Ayoko na. Ngayon at naaalala ko na ang lahat dapat ako na ang mag desisyon para sa sarili ko. Tama na.
"Bakit ngayon mo lang ako nakita. Bakit ngayon lang tayo nagkita muli. Bakit nila ginawa sa akin 'to? Bakit? Bakit nagising pa ako?! Bakit hindi nila sinabi na may amnesia ako?!" Tuluyan nang bumuhos ang aking mga luha. Tila gripong hindi nabuksan ng ilang taon. Umagos ang mga pighati at panlulumo mula sa bintana ng aking kaluluwa.
"Shh. It's okay love. I'm right here, I won't leave you. Based on their stories I visioned you as a strong woman.-"
"Anong ibig mong sabihin?"
"I also lost my memories love. But my love for you still flourishes."
✎✎✎✎
Unknown
Tama ba ang ginawa ko? Alam ko na wala 'to sa plano pero kung para sa kasiyahan naman ni Daniella I would take all the blame. Magalit na silang lahat sa akin, I know what I did and it was the most right thing I did in my whole life. Hindi ako nagsisisi.
"Bakit mo sinabi! Diba na-plano na natin 'to?! Hindi ka ba nag-iisip! Ang tanga naman kasi! Bakit ngayon pa?! Ang considering mo naman na kaibigan!" Sigaw ni Elle.
Oo nasa plano ang lahat pero hindi na 'to makapaghintay.
"I don't understand why you did that, pwede ba paki-explain sa amin kung bakit mo ginawa 'yun? Bakit mo kinuwento lahat kay Daniella?" Tanong ni Ish.
Hindi ko rin alam. Dahil siguro sa takot? Takot na muli siyang mawala. I want her to be happy now. Because I know their nightmare will once again creep into their dreams at night. Hindi na sila makakatulog sa gabi kung pinatagal ko pa to. Kailangan niya ng makaaalala. Dapat na nilang maalala.
Umiiyak na silang lahat sa harapan ko. Tumakbo na si Daniella. Nakalabas na siya mula sa hawla na pinipigilan siyang maging malaya. Isang madilim na kweba kung saan pilit siya tinatago mula sa katotohanan. Ang kadenang pumipigil sa kanyang paglaya ay mayroong susi na nasa taong napakasama. Ang taong pinagkakatiwalaan niya ng lubusan.
"Nandito na ang kuya niya. Nasa pahamak nanaman sila ni Nicolo."
Tama na Christina, nagawa mo na ang dapat mong gawin. I hope Daniella and Nicolo stays safe. Her kuya is one hell of a bastard.
Sana ngayon mabulok na siya sa kulungan.
✎✎✎✎
Thanks for reading!

BINABASA MO ANG
Surrender
Teen FictionDaniella Zamora is one happy-go-lucky gal living a happy life. Great friends, beautiful face, and a pleasing personality. She has it all. Or does she? Waking up one day, living life like how she normally used to, she felt nothing. But then, she met...