Chapter Fourteen

7 0 0
                                    


Chapter 14

Daniella's


Today is a very fun day kasi sasakay kami ni yate! I mean yacht. Tapos the best pa kasi libre ni Genesis! Nandito na rin kasi lahat kaya naisipan nilang mag bonding na rin. Hindi naman kasi parating nangyayari 'to kaya might as well I make the most of it diba?

I almost forgot.

Nandito rin si Nick.

Kagabi, after naming mag dinner ni Nicolo- I mean Nick, hinatid niya ako sa room ko. We were talking about something random when the room beside mine bursted open. At kilala ko naman kung sino yun. Hindi nga ako nagkamali. Naku Elle.

"Hey Sis! Mag ya-yacht tayo tomorrow! Libre ni bebeqoue! " Bigla-bigla nalang niyang sigaw pagkalabas niya ng room niya.

She was too loud! Pero napaisip rin ako kung may outfits pa ba akong natitira for tomorrow. Sigurado akong may impromptu photoshoot na mangyayari.

Tumango naman ako bilang sagot sa kanya. Pero alam ko na hindi ang sagot ko ang gusto niyang malaman, kundi ang sagot ng taong katabi ko.

" How 'bout you? Mr.? " Sabi ko na nga ba e.

"Nicolo"

"Oh Mr. Nicolo, Dani's FRIEND, do you wanna join us sa yacht party namin? I'm sure it's going to be super fun! Ma-EENJOY mo talaga." Sabi ni Elle na sabay tawa. Is it me or may mga words na ine-emphasize si Elle. Ewan ko lang ha, not to be super meticulous. O baka ganyan naman talaga siya mag salita?

Aside from that, na punta ang atensyon ko sa sagot na binitawan ni Nick.

"Well it would be a waste if I decline, right Dani?" Sagot ni Nick sa tanong ni Elle.

Well shit, makakasama ko bukas sa isang bootleg rave yacht party ang crush ko, which probably something that would get me wasted. Goodluck nalang sa 'kin.

So ayun nga, nandito na kaming lahat ngayon sa yacht, na ang may-ari ay kilala pala ni Nick. At dahil siya ang may kilala, siya nalang daw magbabayad. Ang kulit din kasi ni Genesis e, nag pupumilit na siya nalang daw pero ang ending nag celebrate pa kasi bawas gastusin.

I am feeling that this is chaos in the making. No, definitely chaos in the making. Not to mention na napakarami na namin ngayon, ang ingay ng mga lalaki na 'to. They're like teenage girls that didn't see each other for years! Ang kulit nila! Ang sakit sa ulo isipin na kasama namin sila the whole day!

But anger aside, I think this day will be fun. Kahit mga isip-bata 'tong mga kasama namin, marami-rami ang booze na dala nina Elle. Ma-eenjoy ko talaga 'to.

By the way, I'm wearing a red two-piece swimsuit with a cover-up pero naka shorts pa ako. I'm also wearing the only Chanel sunglasses I own. And topped the outfit off with a rattan bag. Slippers nalang sinuot ko, hassle masyado ang sandals, knowing na maliligo kami.

Paakyat palang kami sa yacht pero ang gulo-gulo na ng mundo namin. And the funny coincidence is, by pair pa talaga ang pag akyat sa yacht. Una kasi sumakay kami sa isang speedboat na maghahatid sa amin sa yate. Low tide na kasi kaya hindi aabot ang yate sa shore kasi baka masira ng propeller ang corals na madadaanan niya.

Isa pang sakit sa ulo ay yung pagka close Nina Alstein, Jax at Nick. Well, alam ko naman na friend ni Nick si Jaxon kasi siya naghatid saking ng breakfast last time, pero si Alstein? Napakatahimik nitong taong 'to kaya never kong naimagine na mag-iingay siya kasi nanjan sina Jax and NIck.

" Oy! Nick pare! Kamusta ka na? Tagal na natin di nagkita ah! I miss you pare!" Pilyong sabi ni Jaxon nang dumating si Nick sa speedboat.

"Good Morning everyone." Iniwasan naman ni Nick ang tanong ni Jaxon kaya napatawa nalang kami dahil napahiya siya.

"Tangina mo Nicolo! Masasapak talaga kita pinapahiya mo ko! Als tulungan mo ako bugbugin na natin 'to." Tawa lang ng tawa kaming lahat at akmang susuntukin na nila ng pabiro si Nick, pero biglang napatigil na lang sila sa biglang pagpreno ng speedboat.

Kinabahan ako bigla. Puta.

Sorry for the language pero napamura talaga ako sa sobrang kaba.

"Yan kasi ang gulo niyo! Nasira tuloy and speedboat!" Natatawang kinakabahan na sabi ni Ish. Hindi ko nga rin alam kung tatawa ako o iiyak sa nangyayari. 'Yung mukha kasi ng mga lalaki parang nakakita ng multo.

"Kasalanan mo to Jaxon! Ang gulo mo kasi! Dapat tinulak na kita kanina kung alam ko na mangyayari to!" May malakas pang tawa pagkatapos sabihin yun ni Alstein.

"Tangi-" Napatigil bigla si Jaxon sa sasabihin niya dahil pinandilatan siya ng mata ni Tina.

"Tanga mo Als. Tanga ka." Pagkasabi nito tawa na lang ang nagawa naming lahat. ?Hindi ko rin maiwasan na kiligin dahil sa tawa ng katabi ko.

Maayos naman ka agad ang speedboat. Kaya continue nanaman ang ingay at pagiging pilosopo ng mga boys at girls.

After no time, dumating na kami sa yate. So ayun, by pair ang pag transfer from the speedboat to the yacht. At malamang sa malamang by couple ang meaning nun. Well, except me. Wala akong ka-couple pero kasabay ko si Nick. Syempre taken na lahat at siya nalang din ang walang ka partner, so no choice na ako. Wala namang malisya diba? Ako lang naman 'tong OA na feeling teenager kasi kasama ko si crush.

"Hoy Daniella! Ano pang hinihintay mo jan? Pasko? Well, sorry to break it in to you girl, tapos na ang pasko! New year na! Bilisan mo na at magbabalat ka pa ng patatas!" Bastos talaga 'tong asong 'to. At anong patatas? Can't she see that I'm tying my hair? Ang lakas kaya ng hangin nakakainis. Malapit na din naman akong matapos-

"Hey, tapos ka na ba? I'll help you." Potek naman oh. Nakakagulat naman 'tong isang 'to. Bigla-bigla nalang sumusulpot.

"Okay lang Nick kaya ko na." Sabi ko sa kanya. Nakakahiya naman. And he's a guy, he probably doesn't know how to tie my hair-

Wait. Natali niya ang buhok ko. I was wrong. Ang judgemental ko talaga.

"Ang galing! Thank you!" Shook ako dun sis. I can't believe that he single-handedly tied my hair for me. Wow. Kilig ako doon. Ikaw ba naman talian ng buhok ng crush mo hindi ka kakabahan? Baka kasi...

"You're welcome-" napatigil si Nick sa sasabihin dahil sa biglang pag sigaw ni Ariadne.

"WALANG FOREVER! BILISAN NIYO NA AT WAG NA MAG HARUTAN! TIME IS TICKING MGA MALALANDI! BAKA MATULAK KO PA KAYO SA TUBIG!" Bitter na sigaw ni Ari nang makita niya kami ni Nick, na hindi pa nakakaalis sa speedboat. Isang tawa naman ang pinakawalan ni Nick habang hinahawakan ako para makatawid sa yate.

Cute.


 ✎✎✎✎

Thanks for reading!

SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon