What about now?

498 11 0
                                    

Prologue

Madilim na paligid ang sumalubong sa pag mulat ng aking mga mata. Ilang oras ba akong naka tulog? Hindi ko maiwasang itanong sa aking sarili. Marahil ay dala na rin ng pagod kung kaya't hindi na nakaya pa ng aking katawan.

Tinanaw ko ang madilim na paligid sa labas. Binabaybay pa rin ng aming sasakyan ang tila ba walang katapusang kadiliman. Tanging ang mga ilaw galing sa iilang bahay na hanggang ngayon ay gising pa ang dahilan kung bakit kahit papaano ay may liwanag ang daan.

Hindi na ako nag abala pang i-anunsyong gising na ako. Mukhang wala rin namang silang interes na malaman ito. Kasama ko sila Kuya—not exactly my biological brothers, kundi mga kamag anak. Kung sabagay, kapatid na rin naman ang turing ng mga ito sa akin kahit na kung titignan kami ay malayong akalain ng taong kapatid nila ako.

"She's awake!" Rinig kong anunsyo ni Kuya Jhayz. Nilingon ko siya at saka ngumiti.

Nasa pinaka dulo akong bahagi ng Fortuner na sinasakyan namin. I am more comfortable when I'm alone. Okay lang na mag isa ako. Mas masaya ako sa ganoon.

"Nasaan na ba tayo?" Naitanong ko.

"Alfonso. Mabuti't gumising ka na." Malumanay na sagot ni Kuya Ven. Tumango lamang ako bilang sagot.

I didn't ask any further about our current location. Mukhang banggag pa ako sa mga oras na ito. Ayoko namang pag tawanan nila ako kung sakaling mag kamali ako.

Totoo bang babalik na ako? Noong ipaalam nila sa akin na uuwi na muna kami rito, nag dalawang isip ako. Mahigit isang buwan na lang ay pasukan na, ibig sabihin, tapos na ang sembreak at kailangan na naming bumalik.

Kung sana'y ganoon lang kadaling kalimutan ang lahat, hindi ko na siguro kakailangin pang umalis. Ngunit hindi. Masyadong masakit at mapait ang mga ala-alang dinala at iniwan ng lugar na ito sa akin.

I don't even know the reason of coming back. Siguro'y na mi-miss ko na ang pamilya ko kaya nakumbinsi din nila akong bumalik. Maaring dahil din sa aking naiwang pag aaral. Hindi bale, lilipat na rin naman ako sa susunod na taon. Kailangan ko lang munang tapusin ito.

"Are you hungry?" Tanong ni Kuya Drie na hindi manlang ako tinignan. "Kanina ka pa kasi tulala." Aniya.

"Nah. I can still manage. May iniisip lang ako." Tugon ko na lamang.

Pansin kong tahimik kami. Kahit ang driver na madalas naming ka-kwentuhan ay hindi nag sasalita. Mas mabuti. Ayoko na munang makipag asaran ngayon. Mukhang wala ang amor sa aking sistema sa mga oras na ito...o maaaring wala na talaga sa akin ang ispiritu ng saya.

Paano ba makalimutan ang isang bagay? May paraan pa? Ano-ano iyon? Hanggat maari, nais kong makalimot sa pinaka madali at mabilis na paraan. Iyong hindi katulad sa mga palabas na kailangan pang balikan ang nakaraan para lang maka limot.

To forgive is to forget, they said. Ngunit paano ko patatawarin ang mga taong dahilan kung bakit wala na sa bukabularyo ko ang salitang patawad? Paano ako makaka limot gayong hindi ko rin alam kung paano pa mag patawad?

I've tried. I've tried not to be tired of always understanding people and adjust my self just to make them stay. I don't know what to do anymore.

What about now? (Rules Breaker Series 1)Where stories live. Discover now