Chapter 9

69 3 2
                                    

Miles

"Ano bang problema mo ha?!" Singhal ko.

Nakaka asar! Kung ayaw niya akong kasabay umuwi, pwes, the feeling is mutual! Ayaw ko rin naman! Hindi niya ako kailangang insultuhin! Dinadamay pa ang relasyong mayroon ako!

"I was just saying my thoughts. Ipinag babawal ba iyon?" Ganti nito. Ah ga'non? Thoughts?

"Keep it to yourself, pwede ba? Hindi ko kailangan ng opinyon o saloobin mo!" Galit kong sabi.

Nag lalakad na kami patungo sa gate at handa ng lisanin ang campus. Wala ng mga estudyante at tunog na lang ng mga ibon ang naririnig dahil medyo nasa looban pa kami.

"Tss." Hindi na siya nag salita pa.

Sa inis ko ay nanahimik na rin lang ako at sa isip ko na lang siya minura. Kung nakaka patay lang ang imagination, nakasuhan na ko ng murder. But anyway, why would I let my self imprison if I can execute a murder smoothly? Yeah, yeah.

Buong minuto kaming tahimik. Nakaramdam ako ng lungkot at sobrang pagka dismaya. Galit ako kay Matt. Sobra. Pero hindi ko kayang makipag hiwalay. Iniisip ko pa lang, nasasaktan na 'ko. Ang ayoko kasi sa lahat, iyong kaya namang sabihin sakin ang totoo pero mas pinipili itong itago. Kaya ko namang siyang intindihin. I just don't know if I can right now. Lalo pa't sa iba ko pa nalaman.

"L-look, Morales, I'm sorry—"

"Nah." Putol ko sa sinasabi niya. Mukha naman siyang sincere pero hindi sorry ang kailangan ko ngayon. Kailangan ko ng pahinga.

Naka labas na kami ng campus at nag tungo na sa waiting shed para mag hintay ng biyahe. Hindi ko naman matanong si Santiago kung bakit narito pa rin siya gayong may sasakyan naman siyang dala? Tsk!

Gaya ng sinabi ko sa Mendoza na iyon, kaya kong umuwi mag isa kahit na madilim na.

"Ano pang hinihintay mo diyan? Will you just go home?" Iritable ang tono ko habang itinataboy ko na siya.

"I'll decide weather I go home or stay." Seryoso niyang ani. Sa inis ko ay ni-lip sing ko lang ang sinabi niya saka nag 'nye-nye'

Biyernes pa naman ngayon. Wala akong pasok at madalas ay nasa galaan ako kasama ang mga kaibigan ko, but I guess, it's time to lie low. I missed them so much. This is new to me. Being alone. Yes, I really felt alone and so upset.

"Look, I don't want to drag my self to the issue you are having. I did not know that you're unaware about 'that'." Muntimang niyang paliwanag. Ayokong pag usapan, buset!

Kumukulo ang dugo ko at sumasama ang timpla ko. "Tigilan mo nga ang pang i-ingles mo sa'kin?" Inis na singhal ko na ikina-gulat niya.

"I'm—" sinamaan ko siya ng tingin. Nag sisimula na naman. Tsk

"Are rich people really required to speak in english?" Ay tanga! Ako nga itong nag i-english dito! Bad trip.

"Not really," ayan na naman siya.

"Hindi naman ako magaling sa english, kaya huwag mo kong kausapin. Pinoy ako at hindi amerikano," pag susungit ko pa.

Ang tagal ng biyahe, bwisit!

"Ano pa ba kasing ginagawa mo rito? Umalis ka na nga,"

"Is that your creative way of saying 'thank you for waiting me'? Wow, very unique." Napaka normal sa dugo niya ang pang iinsulto, e, 'no?!

What about now? (Rules Breaker Series 1)Where stories live. Discover now