Chapter 19

38 3 0
                                    

Miles


NO WORDS escaped from my lips, but my tears are the proof of how tired I am, of how painful it was, of how I wished to just disappear. Questions are all over my mind, questions with answers that I don't even understand. Every corner of my empty room shouts the very painful reality.

"B-bakit?"

Puro ako tanong. Mga tanong na kahit anong hanap ko ng sagot ay hindi ko maintindihan. Hindi kami ganito, eh. Lyssa wasn't that kind of person. She used to be the one who scold me, who stop me to study, who distract me so that I won't have to listened to our teachers. She used to be the pioneer of our silliness.



Lyssa used to remind us to trust each other.



But she doubted me. She doubted everyone.



And yes. I don't know her anymore.


Bakit kailangan naming umabot sa ganoon?



Tinanaw ko ang maliwanag na bintana sa aking kanan. Ang sinag ng araw ay tumatakas sa mga siwang nito. Masyadong maliwanag ang silid ko dahil sa pinag halong ilaw mula sa bumbilya at sinag ng papataas ng araw. Ngunit kahit gaano pa ito kaliwanag, hindi nito masasapawan ang lungkot na nakapag papadilim rito. 'Ni katiting nito'y hindi naging dominante.

Ang mga mata ako'y pagod na sa pag iyak. Pagod na rin ang katawan ko, ang isip ko, ang buo kong pagka tao. Dahil ang lahat ng ito'y nakuwestyon ko na, ngunit lahat ay walang sagot na makapag papagaan ng aking loob.

Sinilip ko ang aking cell phone ng bigla itong mag vibrate. Sa hindi mabilang na pag kakataon, hindi ko ito pinansin. Pulos missed calls at unread messages mula sa mga kaibigan ko at kay Matt ang laman nito.

Huminga ako ng malalim at saka mariing pumikit. Halos isang linggo na ang nakaka raan, tatlong araw lang akong pumasok dahil hindi ko na yata kakayanin pang makitang muli ang mga kaibigan ko. Masyadong masakit ang idinulot nito sa'kin. Kahit na nasa ospital si Maj, tiniis kong hindi dumalaw o pumunta.

Nag aalala na sa'kin ang mga magulang ko, pero walang bahid ng pagka kunsensya ang sistema ko. Ipinadala sa'kin ng aming mga guro ang mga activities at quizes na kailangang gawin ni Maj, isang dahilan para puntahan ko siya. Puntahan ko sana siya.

Pero hindi.

Iniwan ko ang mga iyon sa kanilang bahay. Bumalik na ang katulong nila at mukhang inaasikaso naman nito ang kaibigan ko. Hindi ko na pinaunlakan ang paanyaya niya sa'kin, umuwi rin ako ng walang sinasabi. Hindi ko na rin kinamusta ang kaibigan ko. Pero kahit na anong pilit kong mag matigas, I can't help but to get worried about them.

"Anak..." Kinatok ni Mama ang pinto ng aking kwarto. "Nandito si Joyce,"

Hindi ako sumagot. Nagtaka ako kung bakit siya narito. Kung pag uusapan namin ang nangyari ay maari na siyang umalis. Dahil hindi ngayon ang oras na kailangan ko siya, sila. Sapagkat ang mga oras na 'yon ay nasayang na lamang sa gabi-gabi kong pag iyak.

Pag iyak ng mag isa.

Lumabas ako at saka sinalubong ang kaibigan ko. She smiled and kissed my cheeks. Naupo siya pagka tapos 'non. Pinaglandas niya ang isang envelope sa maliit naming lamesa at saka ngumiti. Tinitigan ko lang ang papel at saka bumalik kay Joyce ang walang reaksyon kong mata.

"Si Matt sana ang mag dadala niyan pero busy siya sa pag asikaso sa birthday party ng Dad niya bukas," sabi niya kahit wala naman akong tinatanong. "His Lola expected you to come, Miles."

What about now? (Rules Breaker Series 1)Where stories live. Discover now