Chapter 3

99 4 0
                                    

Miles

HINDI NA yata kaya pa ng katawan kong pumasok sa araw na ito. Gustuhin ko man, ngunit imposible. Baka sa school pa ako abutin ng sama ng pakiramdan.

It's been a day and weary is still written all over my face. I do not bother about my look. Ayus lang kahit ano pang itsura ko. What's important right now is my grandma. Mabuti't stable na ang lagay niya.

Sumasakit na naman ang likod n'ya. Noong una'y ayaw pa nitong magpadala sa ospital, aniya'y gastos lamang iyon at mas lalo siyang mang hihina kung 'don siya mananatili. Our Tito's insist. Mabuti narin namang naroon siya. May mga doktor na susuri sa kanya at mas mapapanatag ang loob namin.

Sa nangyaring iyon ay napa uwi ang mga pinsan kong galing pa ng Manila. Nag ka'ron kami ng maigsing kwentuhan pag dating sa aming compound. Hindi kasi kami pinayagang mag stay sa ospital. Masyado kaming maingay at...marami.

Sumalampak agad ako sa aking kama. I released a deep sigh. Sandali akong tumitig sa kisame saka tuluyang bumagsak ang aking mga mata sa puyat at pagod.

Hapon na ng magising ako. Agad kong kinuha ang cellphone ko at hindi na ako nagulat ng makita ang messages ng mga kaibigan ko. Na'ron rin ang tadtad na mensahe galing kay Matt. Ngumisi ako.

Majbritt:

Hi, kambals! You okay?

Pinaka titigan ko pa ang mensahe niya saka naiiling na tumupa sa'king key board ng sasabihin. Tanging "yeah" lang ang naisagot ko. Hindi ko na muna pinansin ang chat ng iba ko pang kaibigan. Inuna ko ang kay Matt. Marahil ay nag aalala na to sa'kin. Well, sorry.

Mattaba♡:

Hi, babe! Miss you :'(

Iyon ang pumukaw sa'king mga mata. Naantig ang puso ko sa simpleng mga salita. I miss you more, Matt. Kung pwede lang ay yakapin kita mula rito sa bahay ay gagawin ko. Kung pwede lang ay papuntahin kita rito, ngunit imposible iyon. Alam ng mga magulang ko, pero hindi sila bukas sa posibilidad na makita kaming mag kasama at iyong tipong tatambay kami sa aming bahay. Kung minsan nga, naiinggit ako dahil nakaka punta ako kila Matt. I'm welcome as if I'm part of their family. Well, except his Dad. Ewan ko kung anong trip niyon at hindi ako masyadong pinapansin. I never told Matt about his Father. I don't want to offend him.

Ako:

I miss you more!

Ngumisi ako saka niyakap ang cellphone ko. Sa wakas ay naka pahinga na rin ako kahit papaano. Halos apat na araw na din ang lumipas. Mabuti't wala akong pasok sa tea house t'wing friday hanggang sunday. Monday ngayong araw at hindi ako naka pasok sa school. Mukhang marami akong kailangang habulin dahil binabagsakan kami ng gawain tuwing lunes.

Third year na 'ko at last quarter na. My fourth year could be harder than this so I must not complain. But I can't help it. Ginagawa ko lang positibo ang lahat katulad nang; mabilis lang ding tatakbo ang oras at hindi ko mamamalayang gagraduate na kami. Sana nga'y ganon ang mangyari.

Sandali pa akong natulala 'ron saka ako nag desisyong kumilos na. May pasok ako sa tea house. Hindi ako pwedeng umabsent, sayang ang sweldo. Makakaltasan ako.

"O, tutuloy ka pa sa tea house?" Bungad ni Papa ng makita niya akong bihis na bihis. Kararating niya lang at halata pa ang pagod sa kanyang mukha galing sa trabaho.

What about now? (Rules Breaker Series 1)Where stories live. Discover now