Chapter 25

62 2 0
                                    

Miles


"MILES, TANDA mo pa, dati sinabi ko sa'yo na baka sakaling magustuhan mo din ako? Pucha, laughed trip kamo 'yon pag naalala ko!" Nikkolai laughed with my friends. We're hanging out at Jamie's place dahil day off naming lahat. 


Tulala lamang ako. Noong isang araw pa tumatakbo ang isip ko paikot sa iisang bagay lamang. I have never been this distructed. I immediately took my one day leave bacause of what happened. Hindi dahil sa ayaw kong makita ang sino man sa pamilya ni Matt kung hindi dahil talagang pagod ako. Puyat din ako at pakiramdam ko ay naiiga ang lalamunan ko. 


"Ano ba 'tong si Miles! Ano? Naka-anga ka na lang buong gabi, ha?" Puna nitong si Nikko. Sinaman ko sya ng tingin. 


"Shut the hell up!" Inis kong singhal ito. "Huwag nga ako ang pag katuwaan mo, Mendoza."


"Grabe ka naman!"


"Ang drama mo," pang iinsulto ko. In the other side, totoo namang ma-drama ang isang iyan. 


Jamie's place was quite big. Ano bang aasahan mo sa isang youtube influencer? Sumasahod kahit parang timang na kumakausap sa camera. Honestly? No fun of it, seriously. 


Nasa kanilang roof top kami at dito umiinom. Pinag sabihan ko pa sila kanina dahil puro unsaturated fat ang dala nila. Hindi naman daw ako nutritionists kaya't manahimik raw ako. Okay?


Kahit na, ano! Doktor pa rin ako. Iyon nga lang, biglang nag counter si Aljanna at hindi na ako naka sagot ng dahil 'ron. 


"Sus. Nag doktor ka lang, nag inarte ka na. Dati-rati ikaw ang mahilig sa mga ganiyan. Kaya mo ngang umubos ng trentang isaw sa isang upuan. Huwag ako, Miles. Huwag ako." Inirapan ko lang siya dahil napag tanto kong tama naman siya. Pero kahit na! Things are too different now!


Tumayo ako at saka sumilip sa mga kabahayan sa baba ng aming puwesto. Cold air started to pass through me. Hinahangin ang medyo mahaba ko ng buhok. Hawak ko pa rin ang bote ng isang tanduay ice dahil ayoko ng masyadong hard. 


Tinanong ko ang sarili ko. 


Bakit pakiramdam ko, inilalapit na ako ng tadhana sa mga taong dati kong nilayuan? 


Kaagapay nito ang pangambang maari kong makita si Austine sa pag daan ng mga araw, buwan o maaaring panibago na namang taon. Ang ama ni Matt, sa totoo lamang, ang pinaka mahirap na patawarin sa lahat. Samantala, nagawa ko pa rin dahil pinag tignan ko ang naging relasyon namin ni Matt. Na'ron na naman iyong guilt at hindi matapos na 'paano kung'. 


Sabi nga nila, masyadong matagal ang sampung taon. Pero posible bang mag balik ang dating nating nararamdaman para sa isang taong pinawi, hindi natin kung hindi ng panahon? Gusto ko rin namang makausap kahit papaano si Matt, iyon ay kung mag kaka'ron man ng pag kakataon. Bukas rin ang isip ko kung sakaling magiging magkaibigan kami. Pero kung si Austine ang usapan? Hindi ko yata kayang makipag kaibigan sa kanya. 


I don't want him as a friend. 


"Uy," Lyssa suddenly appeared on my side. I greeted her with a smile. "May...problema ka?" 

What about now? (Rules Breaker Series 1)Where stories live. Discover now