Chapter 4

87 5 0
                                    

Miles

HINDI NA kami nakapag usap muli ni Matt. He's grounded for sure. I feel sorry about him, actually. I don't want him and his father to have a misunderstanding. It'll be hard on my part as a girlfriend. But It's more complicated to Matt's part, of course. It's his father, after all.

Naging abala siya sa practice at t'wing lunch break na lamang ang oras kung kailan maari kaming makapag usap. Naiintindihan ko naman na masyado siyang busy at tutok sa pag pa-practice para sa dance contest na lalahukan ng kaniyang grupo sa susunod na dalawang buwan. Malaki ang expectations ng aming principal kaya't todo-todo ang kanilang pag eensayo. Back to back champion last year ang school namin, at ayaw nilang mabahiran ng pagka talo ang record ng aming paaralan.

"We'll wait for five minutes, then, paalis na tayo. Make sure nandito na lahat. Paki contact kung kulang pa kayo sa grupo nyo, okay?" Bilin ni Ms. Facundo.

Kumpleto na ang lahat. Kanya-kanya na din silang bit-bit ng kanilang baon para sa field trip na ito. Magka sama kami ni Nicole dahil kapwa kami walang kasamang jowa. Hindi ko alam kung sasama si Matt o hindi. Mukhang hindi na din naman siya aabot dahil paalis na din.

"Sayang, unang date nyo sana ito ni Matt, 'di ba, Miles?" Tumango ako.

"Hindi pa nga kami ulit nakakapag usap," malungkot kong sabi.

"Magiging maayos din kayo, trust me. Intindihin mo na muna ang sitwasyon," aniya. Napa buntong-hininga ako saka sumulyap sa mga kaklase kong pumapasok na sa jeep.

Napaka kuripot talaga ng school. Iisa lamang ang van na kinuha, the rest, jeep. Wala namang kaso sa'kin iyon, basta hindi ako sasakay sa jeep dahil masyadong mainit 'ron. Napaka malas naman ng mga iyon, masyado kasing exited, ayon, duon tuloy sila naka sakay sa jeep. Samantala, ang buong tropa ay nasa van. Katabi ko si Lyssa habang nasa kaliwa niya si Harold.

Ipapalsak ko na sana ang ear phones ko ng biglang bumukas ang pinto.

"Matt!" Bati ng mga kaibigan kong gulat rin sa pag dating nito.

Hindi ako nakapag salita agad. Ngumiti siya sakin saka umupo na sa bakanteng upuan sa tabi ko. Inayos niya ang gamit niya saka ako hinarap. Para naman akong natunaw dahil sa amoy niya. Napaka bango niya talaga!

"Bumili pa ko ng snacks kaya medyo na late ako," aniya saka itinuro ang paper bag na bitbit niya pagpasok.

"A-akala ko ba, hindi ka makakasama?"

"Pinayagan ako ni Lola at Mom," napataas ako ng kilay.

"Dapat nag pahinga ka na lang sainyo. Puro ka practice this past few days, you look exhausted," kumento ko. Tumaas din ang kilay niya at ginaya ang ekspresyon ko. Natawa ako.

"Let's just enjoy this day, okay?" Nginusuan ko siya.

Maya-maya lang ay bumukas muli ang van at tumambad si Ms. Facundo na may dalang tickets.

"Keep it. That's your ticket for the first venue." Inilahad niya ang mga tickets na may magkakaibang number. Ibinigay ni Matt sa'kin ang kaniya at sumenyas na itago ko kasama ng akin.

Isinara din ni Ms. Facundo ang pinto ng Van saka umalis na at sumakay sa jeep na nasa unahan namin. Napataas ang kilay ko dahil wala kaming kasamang teacher sa loob.

What about now? (Rules Breaker Series 1)Where stories live. Discover now