Chapter 8

51 4 0
                                    

Miles

MY NIGHT went so comfortable. Para bang isang buong linggo akong pagod at puyat. The pain and the frustrations are still into me. Ayaw akong lubayan. And it makes me overthink.

Naligo't nag handa na ako para sa pag pasok ngayong araw. Friday at gaya ng nakasanayan, wala na akong pasok mamaya hanggang linggo sa tea house. This coming week is our finals. Kaya igugugol ko na ang ilang araw para makapag review.

"'Nak!" Sigaw ni Mama mula sa kusina ng bahay. Napangiti ako at nag madali na sa pag sintas ng aking sapatos.

I'm wearing my pe uniform dahil friday na nga ngayon. Ito na yata ang pinaka paborito kong araw sa buong linggo. Kahit na pasahan ito ng mga requirements para sa nagdaang apat na araw ay ayus lang. Free time ko naman.

"Nag balat ako ng mangga. May dumaan kasi kaninang nag titinda ng mga prutas kaya naisipan kong bumili. Paborito mo pa naman ito." Ani Mama pagka pasok ko sa kusina.

Abalang abala na siya sa pag hahanda ng baon naming dalawa ng kapatid ko. Si Papa nama'y kanina pa umalis para pumunta sa munti naming hardware shop. Ito ang naipundar niya matapos umuwi galing ibang bansa. Halos apat na taon din kaming nangulila sa kanya. Kaya naman ngayo'y sinusulit namin ang panahong mayroon kami.

Nakita kong hinihiwa na ni Mama ang mangga habang inilalagay sa pinaka mamahal niyang tupper ware habang ako'y nag mamadali ng kumain dahil ayokong malate sa school. Community service ang parusa. Kung sa bahay nga ay hindi ako nag lilinis, anong pakialam ko sa komunidad?

Napatitig ako sa mangga at natawa ng maisip si Mendoza. I did not say thank you yesterday. He seem not expect it from me so I went on.

"Lalagyan ko pa ba ng sawsawan?" Tanong ni Mama. Tumango lang ako. Nang matapos sa pag kain ay agad na akong nag ayos at nag paalam na.

Hindi ko naman na inasahan na mag kikita kaming magkakaibigan sa tambayan kaya dumire-diretso na ako sa room. Nakakapanibago talaga. Kahit na gusto kong mag good morning at mangulit sa kanila ay hindi naman pwede.

Nakita kong pumasok na si Nikkolai at agad nya akong nginisihan. Inirapan ko lang naman siya gaya ng nakasanayan.

Tse! Kahit na inihatid niya ako, hindi pa rin kami cool sa isa't-isa. Hindi na ulit!

Pinag dudahan niya pa si Matt. Walang siyang alam patungkol sa'min. Hindi niya ako kailangang pangunahan dahil kilala ko si Matt. He told that they still have to practice, and who am I to stop him? Ayoko siyang pag dudahan dahil ayokong masira ang relasyon namin.

As I always say, I will understand. Kahit na wala siyang oras ay ayus lang sakin, basta bigyan niya lamang ako ng assurance na okay siya at ako ang mahal niya.

Absent si Maj habang hindi pa rin ako pinapansin ni Lyssa. Palaging naka buntot sakanya si Elle kaya hindi ko rin maka usap kahit na pakiramdam ko'y gusto niya. Si Nicole ay kasama oras-oras ang boy friend, si Jam ay tulog buong klase, halos si Aljanna at Joyce lang ang nakaka usap ko. Hindi pa ga'non katagal, palagi pang pormal.

Lunch break na at naisipan kong hanapin si Mendoza para ibigay ang mangga na ginawa ng nanay ko. Hindi siya pumasok sa subject namin bago mag lunch. Natagpuan ko siya sa cr kung saan lagi kaming naka tambay. Naka upo siya at naka pikip habang kumakanta. Hindi niya siguro namalayan ang pag bukas ko ng pinto dahil naka ear phones ito.

What about now? (Rules Breaker Series 1)Where stories live. Discover now