Chapter 2

119 6 0
                                    

Miles

SANA nga isa na lamang akong babaeng mabilis maka limot. Hindi iyong tumatagal ang sama ng loob hanggang ito ay sumabog. And the explosion doesn't have it's right place where it'll explode. Bigla-bigla na lamang itong sasabog, makapaminsala man o hindi.

"M-miles,"

Hindi ko ito kayang intindihin ngayon. Masyado ng naaksaya ang oras ko. Pakiramdam ko, hindi nagiging maka buluhan ang buhay. Pakiramdam ko, imbes na maramdaman kong may'ron akong kasangga, ay isa pang sakit sa ulo ang nakuha ko. Kung alam ko lang, bakit ko pa ito kinuha hindi ba?

Dala ng udyok ng aking mga kaibigan, napilitan akong sagutin ang isang tanong na hindi ko pa naman kaya at napag iisipan ng mabuti.

Sayang ang pag kakataon, iyon ang lagi nilang sinasabi kaya um-oo na ako kaysa naman mag sisi sa huli; which is mukhang mangyayari kung mag papatuloy itong relasyong ito.

"A-alam kong masama ang loob mo, at sorry, okay?  Nag extend ang practice namin dahil late dumating iyong choreographer." Paliwanag niya. "Na low bat ang phone ko kaya hindi ako nakapag text."

Pumeke ako ng ngiti rito saka nagpatuloy sa pag lalakad. Nasa may kanto na ako ng barangay namin at kailangan niya na akong iwan. Mahirap na, baka pag tsismisan pa kami. Huminto na ako saka handa na sanang mag paalam.

"Miles, I'm really sorry. Promise, babawi ako." Aniya sabay hawak saking kanang kamay na naka bagsak lamang.

What about now? (Rules Breaker Series 1)Where stories live. Discover now