Chapter 6

62 4 0
                                    

Miles

GOING HOME with a floating mind is never been easy. Hindi ko alam kung dahil ba sa dami ng iniisip ko o dahil wala akong maintindihan sa mga iniisip ko. I bet it's both.

Maaga akong nagising ngayon dahil may pasok ako sa school. Malapit na din ang finals kaya kailangan ko ng mag sipag.

Ngumiti-ngiti lang ako sa mga nakaka salubong kong kakilala. I don't have the mood to chit chat with them. Para bang gusto ko na lang matulog ulit. Medyo disappointed din ako dahil hindi ako tinext o tinawagan ni Matt sa mga nakaraang araw.

Damn! I'm too tired of understanding. I'm starting to get sick of it.

Wala akong gana ngayong araw. Masyado pa akong gulat sa mga nalaman ko patungkol sa Ina ni Majbritt. Halata namang mali ang ginagawa ng nanay niya, ngunit hindi pa rin ito sapat na dahilan para hindi siya respetuhin ng kanyang anak. Ayaw ko rin namang dumating sa puntong iyon ang kaibigan ko. Mabait na tao si Majbritt. Naiintindihan ko kung bakit ganoon ang nasa isip niya ngayon.

Bumungad agad ang mukha ni Mendoza sa may pinto ng aming silid. At dahil nga wala ako sa wisyo ngayo'y pinag sawalang bahala ko lamang ang presensya niya. Umirap lamang ako saka nag dire-diretso na sa aking upuan. Kita ko namang nagulat siya sa ginawa ko. He maybe used of being shouted on face by me. Iyon ang bungad at paraan ko ng pag sasabing good morning sa kanya.

Umupo ako at saka nag labas ng isang notebook. Pag lingon ko sa aking harapa'y nakita ko si Mendoza na naka tingin sa'kin. This life destroyer pest is getting into my nerves—always. Walang pag kakataon na ikinatuwa ko ang presensya niya. Tinaasan ko lamang siya ng kilay saka tumingin na sa aking notebook.

"Hoy!" Sigaw niya sa akin ngunit hindi ako lumingon. Mag aaksaya lamang ako ng oras sa kanya.

Kumuha ako ng ballpen saka nag sulat ng kung ano-ano tulad ng; "kinginang life destroyer 'to! Ang aga mambwiset"

Umarte akong parang wala akong naririnig.

"Psh! Hoy! Morales!" Nag tiim ang bagang ko. Nilingon ko siya saka sinamaan ng tingin. Iyong tipong parang tatalon ang mga mata kong galit patungo sa puwesto niya.

Busettt! Kung pwede lang talagang pumatay ng tao'y uunahin ko na ang taong 'to! Well, actually pwede naman, Miles. Ilegal nga lang iyon at labag sa utos ng Diyos kaya huwag na.

"Ano bang problema mo?" Maangas kong tanong rito. He only smirk with confidence before walking to my direction.

"Ikaw, anong problema mo?" Aniya. Sobrang seryoso.

Natawa ako. "What's with the question? Kailan ka nagka'ron ng pakielam sa problema ko—"

"Ngayon." Pam-putol niya sa sinasabi ko. Lalo akong nainis.

"How dare you cut my words?" Inis kong ani.

"Ang yabang na'tin ngayon ah, Morales." Kumento ng isang nakaka imbyernang babae mula sa likuran.

Nakuha tuloy namin ang atensyon ng mga kaklase kong wala kaninang pakielam sa nangyayari. Napaka umepal naman!

Narinig ko ang yabag ng paa niya na mukhang papalapit sa'min. Ang life destroyer nama'y mukhang inis din dahil naudlot ang kanyang planong paninira ng araw ko. Lumantad ang mukha ni Zharicka sa harapan ko. May mga ngisi sa labi. Napa irap ako.

What about now? (Rules Breaker Series 1)Where stories live. Discover now