Chapter 5

68 4 0
                                    

Miles

NAPAG KASUNDUAN naming mag kakaibigang mag McDo na lamang muna. At dahil may ibang school na kasama, nag expect na kaming maraming tao ngayon sa mall at puno ang mga kainan.

The lane is too long! Gusto ko na lamang pumila sa priority lane at mag panggap na buntis! Well of course that's impossible right now! I'm with my freaking school PE uniform. Sinong maniniwala sakin, aber?

"Babe," nilingon ko agad si Matt. Tumaas ang kilay ko. What's the Matter?

"Hmm?"

"Ako na lang ang oorder, hanap ka na ng upuan." Aniya. Na'ron na naman ang malakas na pintig ng puso ko. "Alam ko naman ang gusto mo. Sagot ko,"

"Nope! Ako na!" Sinimangutan niya naman ako. Napa kamot ako sa ulo ko. Nakaka hiya!

"Mom told me to do so," Aniya. Literal na nalaglag ang panga ko. H-his Mom? Seryoso? "Good shot ka kay Mama e." Natawa siya saka ako kinurot sa pisngi.

Bigla naman akong na-touch. Thank you, Tita!

"Are you sure you'll be alright here?" Usisa ko bago umalis para humanap ng upuan. Tinawanan niya ko saka humawak sa kamay ko.

"Hindi naman ako mawawala," napatitig ako sa kanya. "Sige na, hindi ka ba nangangalay?" Ngumiti siya saka sumenyas na sumunod na ako. Tumango na ako. Ginulo niya naman ang buhok ko bago ako maka alis. Natawa pa ako saka ngumuso.

Naabutan ko ang mga babae kong kaibigan na kinakausap ang isang staff. Mukhang wala na kasi talagang pwesto maliban sa kid's party place. Maya-maya lang ay pumayag na rin silang ipagamit sa'min ang lugar.

Tumulong na rin kami sa pag aayos ng upuan. Pampalubag loob, ika'nga. At dahil mga walang'ya kami, hindi namin inayos appropriately ang mga lamesa at upuan pagka alis 'nung staff. Pinag dikit-dikit namin iyon para mag kakasama kami. Hinayaan naman namin ang iba naming kaklase na maka pasok dahil wala na nga silang pupwestuhan sa loob. Matitigas talaga ang ulo namin! Sinabi ng 'wag mag papapasok ng iba eh!

Natawa na lang ako saka pumwesto na. Kinawayan ko naman si Matt at akmang tutulungan sa dala ng sumenyas siyang huwag na. Such a gentle man—and his mine! Hihihihi!

Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. 'Hindi naman ako mawawala'

Ano bang ibig niyang sabihin? Hindi mawawala sa pila? Sa paningin ko? O hindi mawawala sa'kin? Napangiti na naman ako na para bang nababaliw na ako. Yes! I'm slowly getting too crazy of this man! Matt Rylen Chavez! You're such a fool if you think that I did not love you! It's all written on my face, Matt!

"I ordered two large fries," aniya. Pumalakpak naman ang tenga ko sa nakitang naka hain sa harap ko. "Make yourself full," bilin niya. Agad naman kamibg kumain.

Nag ka'ron pa rin ng picture taking habang kumakain kami dahil adik ang mga ito sa pag kuha ng litrato. Nilingon ko ang mga kasama namin sa loob ng kid's party place. My eyes landed on Austine that is currently looking at me as well. May kung ano sa mga tingin niya. Hindi ko makuha, hindi ko mabasa't maintindihan.

Nakipag labanan siya sa'kin ng tingin. Iyong puso ko nama'y pumintig ng sobra. Hindi ko alam kung ano ba ito. Kinakabahan ba ako? Kung hindi ka lamang gwapo, iisipin kong mina-manyak mo 'ko! Busetttt! Mukha kang timang!

What about now? (Rules Breaker Series 1)Where stories live. Discover now