Chapter 10

71 3 0
                                    

Miles


IT'S ALMOST 3am and those past memories are still written in my mind very clearly. Ginising ako nito at hindi na hinayaang maka tulog pang muli. I waked up with my room alive with lights that I've never turn off especially at night. Sinanay ko naman ang sarili kong patayin sa tuwing paalis ako, at bubuksan sa tuwing madilim na ang paligid. Bumangon ako saka naupo sa aking study table at nag labas ng iilang libro.

Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng maari kong mapanaginipan ay iyong mga piling ala-ala pa naming nag kakaibigan na talaga namang hindi ko kailanman makakalimutan. Of course, Mendoza's included to it, dahil sa kanya, inasar ako ng mga kaibigan ko. Matt was also there, and I can still remember everything. The rejection, the mindset, the annoyance, and those disappointed eyes of Matt.

My old self. She's so heartless. That Miles back then that I had to buried so that I could keep something very important to me. Friendship, trust and those people.

Between those three, trust is very important to me. Everything starts with it. Kung paano kami nabuo, kung paano kami tumibay, kung paano namin nalagpasan ang mga problema ng mag kakasama, kung paano namin tinanggap ang isa't isa, pero iyon na nga. Until the end, I guess, trust is the reason why we lose each other. Kung bakit kami nasira, kung bakit kami ganito ngayon.

Paano ba namin mababalik ang dati?

Can we still do that?

Or should we accept the fact that this is what meant to happened?

Gulong gulo na ko. 'Ni hindi ko alam kung paano ko susubukang ayusin itong pagkakaibigan namin. O kung gusto pa ba nilang maayos. Palaging pumapasok sa isip ko kung bakit. Bakit pinaparamdam nila sa'kin na kasalanan ko gayong wala naman akong ginawa?

Nakita ko na lang ang sarili kong umiiyak habang naka ub-ob sa'king study table. Ang sakit, sobra. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako at duon na naka tulog.

Bandang ala-sais na ng umaga ng muli akong magising. Medyo namamaga ang mga mata ko at mukha akong zombie. Damn! Anong pag mumukha iyan?

Nag ayos muna ako saka ako nag aral na. 8am ng katukin ako ni Mama at sabihing kumain na ako. Lugaw na lugaw na ang utak ko kaya pinili ko na munang kumain. Talagang mahirap mag aral pag walang laman ang tiyan. Ang sabi kasi nitong si kakang Sherlock, the brain works better on an empty stomach. Mukhang hindi ganon ang kaso ko.

"Finals nyo na, 'nak?" Tumango ako.

"'Ma, kailangan ko po umalis mamayang alas tres. Okay lang po ba?" Paalam ko ng maalala iyong chat ni Aljanna.

"Sige. Sino bang kasama mo? Iyong lalaking nag hatid sa'yo noong nakaraan?" Eh? Napa ubo ako kaya nagulat si Mama.

"H-hindi po. 'Ma naman, huwag nyo ng i-bring up si Mendoza este si Nikkolai," pangaral ko sa Nanay ko. "Si Aljanna po ang kasama ko hehehe."

"O, e, bakit naman hindi?" Usisa pa ng nanay ko. "Mag kaibigan lang naman kayo hindi ba?"

No were not. "Ano pa nga po ba? May boy friend na po ako," kunwari'y biro ko pa kahit na mayroon naman talaga.

"Puntahan mo na muna ang lola mo bago ka umalis, noong isang araw ka pa hinahanap."

Ngumiti ako saka umalis na sa lamesa at nag hugas na ng pinggan. "Sige po."

Naligo na ako saka nag bihis muna ng pang bahay dahil balak kong puntahan ang lola ko. Buti na lang at d'yan lang sa kabilang street ang bahay ng tita ko. Doon na muna kasi siya tumigil dahil masyadong malayo ang bahay nila at walang mag aasikaso sa kanya.

What about now? (Rules Breaker Series 1)Where stories live. Discover now