"Wala kang pasok?"
Sumandal ako sa pader at humithit sa vape ni Dennis habang nakasandal siya sa may tabi ko, pinapanood namin si Eduard tumira sa bilyar. Bagong recruit ko 'to, e. Tinuturuan ko kung paano tumira kasi hindi magaling.
"Mayroon," sambit ko nang maubos ang usok sa bibig ko.
Nagyoyosi ako dati pero tinigilan ko na noong 2nd year kasi ayaw ko nang mamatay nang maaga. Paminsan-minsan ay pinapahiram ni Dennis vape niya sa 'kin katulad ngayon pero hindi ko rin naman siya ganoon ka-trip. Halos pareho lang. Mas masarap lang.
"Nag-cut ka para mag-bilyar?" singhal niya sa 'kin.
"Bobo ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Malamang wala na namang prof kaya narito ako, 'di ba? Kanina, may pasok ako pero ngayon wala 'yong prof ko sa last subject kaya maaga akong napunta rito. Hindi naman ako mahilig mag-cut. Pumapasok ako kahit late, 'no! Sayang attendance.
"Tangina, Eduardo, ang tagal mo na riyan, hindi ka pa rin nakakatira?! Kung hindi 'yong puti, 'yong itim 'yong shinoshoot! Akin na nga!" Irita akong lumapit at inagaw sa kanya ang cue stick.
Inayos ko muna ang mga bola at pinakita ko sa kanya kung paano sumargo. Iba-iba naman ang paraan ng pagsargo, depende sa tao kung ano ang bet niya. Namangha pa si Eduard nang tirahin ko ang puti at na-shoot ang limang bola.
"Ganito kasi." Pinatuwad ko siya at pumunta ako sa likuran niya para turuan siya.
Nakita kong namula pa ang pisngi nang lumingon sa 'kin nang kaunti. Ano 'to? Kinikilig ba sa 'kin? Hindi ko siya type. Wala na yata akong type ngayon dahil nga exclusive kami ni Hiro.
"Tangina, makinig ka, huwag kang tingin nang tingin sa 'kin," inis na sabi ko.
Paano, tingin nang tingin sa 'kin at mukhang hindi makapag-concentrate! Inasar-asar pa siya nila Dennis dahil tinitigasan daw. Napairap ako at sinubukan pa ring turuan siya kahit nakita kong nanginginig ang kamay niya at namumula na nga sa hiya.
Napatigil ako nang matahimik sila Dennis dahil napalingon sa lalaking pumasok sa bilyaran. Nakita ko ring napatigil 'yong grupo ng kababaihan sa kabilang table kaya napalingon ako kaagad. Hindi na ako nagtaka kung bakit nang makita si Hiro.
Umayos kaagad ako ng tayo nang makitang nakasandal siya sa may pintuan at nakakrus ang braso sa dibdib habang nakatingin sa 'kin. He was wearing a pair of Adidas jogging pants and a white shirt.
Agad kong iniwan si Eduard para maglakad palapit kay Hiro. Nang huminto ako sa tapat niya, hindi siya nakatingin sa 'kin dahil nanatili ang tingin niya kay Eduard at nakataas pa ang kilay na parang hinuhusgahan ito.
"Aalis na tayo?" tanong ko para makuha ang atensyon niya.
Lumipat ang tingin niya sa 'kin at hindi ako sinagot. Napalingon din ako kina Dennis na nagtataka kung sino ba ang kausap ko. Pinanlakihan ko sila ng mata kaya napaiwas sila ng tingin. Napakachismoso!
BINABASA MO ANG
Safe Skies, Archer (University Series #2)
RomanceUniversity Series #2 Hiro, a student pilot from DLSU, was very clear with his number one goal in life. It was to study in the best flying school in Florida. However, he agreed to have a no strings attached relationship with Yanna from FEU Tourism, t...