14

2.9M 80.1K 166K
                                    


"Road to 4th year!" 


Nag-apir kami ni Sam at pinagdikit saglit ang fruit shake na iniinom namin ngayon sa isang malapit na restaurant sa may Katipunan. Kakatapos lang ng huling final exam ko kaya naman cine-celebrate naming dalawa sa isang lunch date. 


"Paano 'yan? He's already leaving next week." Sumimsim si Sam sa shake niya. 


"Huwag mo nang ipaalala sa 'kin." Umirap ako. "Kinakalimutan ko na nga. Paalala ka naman nang paalala dyan!" 


"Nalulungkot ka?" Ngumisi siya bilang pang-aasar. "Pareho kayo ni Luna na malungkot ngayon. What's with May? Worst month."


"Bakit malungkot?" nagtatakang tanong ko. 


"They broke up," pagbabalita niya sa akin.


Nagsalubong kaagad ang kilay ko dahil sa lahat ng tao, hindi ko ine-expect na sila pa ang mauunang maghiwalay. They were perfect for each other... pero siguro nga, hindi lahat ng taong minamahal natin, mananatili. Well, life goes on. 


Wala naman tayong choice kung hindi masanay na mag-isa. 


I looked at my phone when my period calendar popped a notification. Tinignan ko 'yon at na-realize na late na pala ako for 4 days. Matagal kong tinitigan 'yon, inaalis ang mga pangamba sa utak ko. 


"4 days late is okay, right?" tanong ko kay Sam.


"I got late for 7 days. It's fine, I guess..." She shrugged then realized something. "But pills regulate your period, right?" 


"Ewan ko." Umiwas ako ng tingin. 


"Nagkaroon ka ba noong April?" tanong niya ulit. 


"Ugh, oo. Dinugo ako noon, eh. Medyo napaaga nga lang," pagdadahilan ko.


"Are you sure hindi 'yon spotting?" mabagal na tanong niya, naninigurado. "Magkaiba ang period and spotting."


Hindi ako sumagot at inubos na lang ang pagkain ko. Nag-iba tuloy kaagad ang mood ko at parang naging praning na sa mga iniisip ko. Ni hindi ko nga naubos ang in-order ko kakaisip sa sinabi niya. 


"Baka naman side effects lang ng pill," sambit ko habang nasa sasakyan kami ni Sam. 


"Siguro. You said hindi naman kayo nag-sex noong naka-miss ka ng pill. Baka nanibago 'yong body mo noong back on track ka na ulit or something..." Sam convinced me.


Tumango ako at tumingin sa labas ng bintana, mabilis pa rin ang tibok ng puso at kinakabahan. Pilit ko na lang kinalimutan 'yon hanggang sa makauwi sa condo ni Sam. Hindi na 'ko pwede sa dorm mag-stay dahil tapos na ang finals at tapos na rin ang kontrata ko roon sa dorm na 'yon. Sa pasukan pa ulit ako magre-renew. 

Safe Skies, Archer (University Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon