"Cabin crew, prepare for take-off."
Hindi ako mapakali sa inuupuan ko habang umaandar ang eroplano. Nakatingin sa 'kin si Kyla at pinanlalakihan ako ng mata dahil napansin ang pagkatulala ko habang hinihintay ang pag-angat ng eroplano, pero wala siyang masabi dahil tahimik ang paligid.
Tumingin ako sa mga pasahero. Ang iba sa kanila ay kinakabahan at ang iba naman ay tulog. Ako? Kinakabahan at takot. Mabuti na lang pala at na-late ako saglit para hindi ko siya na-meet sa headquarters. Pinagalitan nga lang ako ng head namin sa flight na 'to na si Purser Sally.
I clasped my hands when the airplane sped up and smoothly left the ground. Nanatili kami sa inuupuan namin, hinihintay ang senyas ni Captain... Juarez.
Huminga ako nang malalim habang dinadama ang kaunting pag-alog ng eroplano dahil umaakyat at dumadaan sa mga ulap. Hindi ako roon kinakabahan kung hindi sa taong nagpapalipad ng sinasakyan ko ngayon.
I heard a beep and our purser stood up to make an announcement.
"Ladies and gentlemen, the Captain has turned off the fasten seat belt sign, and you may now move around the cabin. However we always recommend to keep your seat belt fastened while you're seated. In a few moments, the flight attendants will be passing around the cabin to offer you hot or cold drinks, as well as breakfast. Enjoy the flight. Thank you."
Tinanggal na namin ang seatbelt sa katawan at tumayo. Ako, pumunta ako sa galley para ilipat sa trolley ang mga hinahandang pagkain ni Bri, kasama si Kyla. "Ano'ng mayroon sa 'yo, girl? Iba ata timpla mo today?" tanong niya habang nilalagay sa trolley ang mga binibigay ni Bri.
"Wala. Pagod lang," pagdadahilan ko kahit ito lang naman ang flight ko ngayong araw.
Pagkalagay namin ng mga pagkain ay tinulak ko na 'yon palabas, nakangiti ulit sa mga pasahero. Si Kyla ang nagtulak noong isa para magkabilaan kami.
"Coffee, sir?" I asked the man and smiled.
Tinanggal niya saglit ang earphones niya at iritang lumingon, ngunit nawala kaagad 'yon nang tumingin sa 'kin. I smiled at him, waiting for his answer.
"Sir?" I asked again when he didn't talk. He was just staring.
"A-ah! Yes!" natatarantang sabi niya.
Kumuha ako ng paper cup at sinalin doon ang nakatimplang kape, saka dahan-dahang inabot sa kanya. Nanginginig pa ang kamay niya nang kuhanin 'yon mula sa 'kin. Hindi ko na 'yon pinansin at tinulak na ulit ang trolley papunta sa nasa harapan niya para ihanda ang pagkain.
"Drinks, Sir?" I asked another man again who was about my age. Abala siya sa pagkalikot ng mini-TV sa harapan niya at hindi man lang ako nagawang tignan. "Do you need help, Sir?" I asked again.
Tumingin siya sa 'kin saglit at binalik ang tingin sa screen niya, pagkatapos ay mabilis na lumingon sa 'kin at tinitigan ako. Ngumiti ako at lumapit saglit para tulungan siyang i-on ang monitor.
BINABASA MO ANG
Safe Skies, Archer (University Series #2)
RomanceUniversity Series #2 Hiro, a student pilot from DLSU, was very clear with his number one goal in life. It was to study in the best flying school in Florida. However, he agreed to have a no strings attached relationship with Yanna from FEU Tourism, t...