08

3M 69.3K 156K
                                    


"Wala ako sa mood uminom. Kayo na lang." 


Naging busy ako for the past few weeks at halos lahat nagpaplano na kung saan sila pupunta ng short break. Napag-usapan na rin namin nila Luna kung saan pero wala akong masagot dahil nga wala naman talaga akong plano kundi umuwi ng Laguna. Buti pa sila ng nilalandi niya, magbo-Boracay. Ang dami nilang pera. 


Hindi pa kami nagkikita ulit ni Hiro sa kadahilanang iniiwasan ko siya at inaabala ang sarili ko sa iba't-ibang lalaki. Nag-uusap pa rin naman kami sa text pero hindi talaga mag-tugma ang 'schedule' namin dahil busy din siya sa mga inaaral niya at siguro, sa mga babae niya. Ang daming balita ni Sam, e. 


Sulit na sulit niya ang hindi pagiging exclusive! 


"Bakit wala ka sa mood?" Ngumuso si Kyla. "Sige na, Yanna! Sumama ka na lang, kahit hindi ka uminom! Libre ko pa naman! Birthday ko, o! Sa exclusive inuman tayo! May swimming pool!" 


"Daming bigay ng sugar daddy, ah," pang-aasar ko habang nakadapa sa kama at nagbabasa. 


"Gago!" Tumawa siya at hinampas ako ng unan. "Si Bri, hindi umiinom, pero sasama! Sige na!" 


Napabuntong-hininga ako at tumango na lang. Bakit ba kasi ang kaladkarin ko? Gustong-gusto nila 'kong inaaya kasi oo ako nang oo! Okay na rin naman dahil kailangan ko ng distraction. Hindi na 'ko masyadong busy noong mga nakaraang linggo, e. 


"May pogi?" Tanong ko sa kanya. 


Hindi ko naman kilala lahat ng iimbitahin niya, e. Siguradong-sigurado rin naman ako na wala si Hiro dahil hindi naman sila magkakilala. 


"Ewan ko sa 'yo! Tayo-tayo lang din naman inimbita ko!"


By tayo-tayo, she means our circle of friends? Ano ba 'yan, ang boring! Sabi nang hindi ako pumapatol sa kaibigan, e! Nagbago na tuloy ang tingin ko ngayon kay Hiro dahil sinabi kong pwede kaming maging magkaibigan. Parang gusto ko na siyang layuan. Parang bawal. 


Tinatamad ako pero noong kinagabihan, naligo na 'ko at nag-ayos ng gamit. Ang sabi ay may pool. Parang pool club siya kaya nag two-piece akong kulay puti sa loob at nag-ripped maong shorts. Sa pantaas ay off-shoulder lang na black kaya kita ang string ng two-piece na nakatali sa may leeg ko. Bri braided my hair like Rapunzel's. Nag-makeup din ako para hindi naman ako magmukhang pale. 


"Nakakaluwag-luwag ka ngayon, ah," pang-aasar kaagad ni Chris kay Kyla nang sunduin kami sa tapat ng dorm. Siya ang may sasakyan, e. 


"Yanna, ikaw na sa shotgun seat," tulak sa 'kin ni Ky. 


Umirap ako at lumipat sa harapan. Hindi kami masyadong nag-usap ni Chris simula noong halikan ko siya club kaya nagkatinginan kami pagkasakay ko. Agad din naman siyang umiwas. 


"Baka naman mayayaman ang mga naroon!" Sabi ni Brianna, nag-aalala. 


Safe Skies, Archer (University Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon