19

2.8M 78.2K 144K
                                    


"Can you take her with you?" 


Hawak-hawak ko sa kamay ang isang kamay ni Avi pagkapasok naming dalawa sa office ni Luna. Abala siya sa laptop niya nang madatnan namin ngunit agad ding umangat ang tingin nang magsalita ako. Iyon pa talaga ang bungad ko. 


"Avi!" Lumiwanag kaagad ang itsura niya at agad tumayo mula sa swiveling chair. 


"Tita," nahihirapang sabi ni Avi nang biglang tumakbo papunta sa kanya si Luna at niyakap siya nang mahigpit. Muntik pa tuloy mahulog ang lollipop niya sa bibig. 


"Bakit? Saan ka na naman pupunta? Walang lipad today, in fairness," sabi niya at hinawakan ang kamay ni Avi. 


"Magtitingin lang kami ng sasakyan ni Samantha," sagot ko. "Saglit lang kami at babalikan ko rin kaagad."


"Huwag mo nang balikan," gigil na pinisil ni Luna ang pisngi ng anak ko. "Akin na 'to!" 


"Kung gusto mo ng bata, mag-anak ka."


"Wala ngang jowa, anak pa?" Umirap siya.


"Sabagay, tuyong-tuyo na 'yang kiki mo. Kawawa ka naman." Ngumisi ako. 


"May bata, Yanna!" Madrama niyang tinakpan ang tainga ni Avi. 


Nilapag ko ang backpack ni Avi sa may sofa at nagpaalam na sa kanya bago bumaba sa lobby, kung saan naghihintay si Samantha. Pagkasakay ko ay nag-drive na kaagad siya papunta sa bilihan ng mga sasakyan. 


"What's a Tesla?" nagtatakang tanong ko sa kanya nang maalala ang sinabi ni Hiro. 


"What do you mean?" Kumunot ang noo ni Sam habang nagda-drive. "The car?" 


"Yes, the car." 


"Oh, it's an electric car, different from the ones we have here. Actually, years ago, bawal pa ang electric cars here but it was just last year when they finally approved of it. Why?" naguguluhang tanong niya.


"I'm thinking of buying a secondhand Tesla car..." mahinang sabi ko.


"Kanino naman? Those cars are limited here lang because they order it outside the country pa and could you imagine the tax? Gosh, sobrang mahal." Napailing siya.


"Ah, mahal ba?" Tumango ako. Iba na lang kung masyadong mahal 'yon. May iba pa kayang sasakyan si Hiro?


"No, it's actually cheaper than my car right now but since wala pang showroom dito, those who have it are the... elite? Mga kayang magbayad ng napakalaking tax? I don't know. Well, at least it's good for the environment." 


Maybe Hiro had it in the U.S. Napabuntong-hininga ako, iniisip na ngayon kung ano ba ang budget ko sa sasakyan. Marami akong savings pero parang ayaw kong gastusin para sa 'kin, dahil pinag-iipunan ko ang pag-aaral ni Avi kapag lumaki na siya. Gusto ko may nakalaan nang pera para roon. 

Safe Skies, Archer (University Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon