"Good morning, ladies and gentlemen, this is Captain Juarez speaking. We are currently cruising at an altitude of 33,000 feet at an airspeed of 400 miles per hour. The time is 10:35 AM."
Sumulyap ako kay Avrielle na may hawak na lollipop at nakatingin ulit sa taas, hinahanap ang boses ng Daddy niya. Nang makita akong nakatingin ay kumaway siya sa 'kin at nginitian ko siya bago ako pumasok sa galley para maghanda ng pagkain.
Avrielle and Sam were both seated near the galley, sa pinakaharap kaya malaki ang leg space at malapit rin siya sa 'kin.
"The weather looks good and with the tailwind on our side we are expecting to land in Manila approximately ten minutes ahead of schedule," Hiro continued.
"It's my Daddy," rinig kong sabi ni Avi, siguro sa katabi nilang matandang lalaki.
Napailing na lang ako habang nag-iinit ng pagkain. Nagulat pa 'ko nang pumasok bigla si Kyla sa loob at ngumisi sa 'kin. "Bakit wala ka noong isang gabi sa hotel room natin?" bulong niya.
"Kasama ko si Avi," sagot ko, hindi tumitingin sa kanya.
"Weh? Si Cap kumuha ng maleta mo."
"Tabi kami matulog at sa gitna ang anak namin, bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Her mouth formed an 'o' then she laughed like she made me confess a sin. Napailing na lang ako at binatukan siya bago lumabas at tinulak ang trolley. I heard her loud laugh again when she saw how pissed I was.
"Juice." Naglapag ako ng karton ng juice sa harapan ni Avrielle.
"Thank you, Ma'am." She giggled.
"Ikaw? Ano sa 'yo?" maangas na tanong ko kay Samantha na naglalaptop.
"Excuse me?" Tinaasan niya 'ko ng kilay. "Rude!"
"Coffee." Alam ko na kaagad kahit hindi niya sabihin kaya binigay ko na sa kanya ang cup.
Pagkatapos doon ay dumeretso na 'ko sa business class para maglapag ng pagkaing in-order nila roon. Pagkatapos ay binalik ko na ang trolley sa galley bago ako naglakad pabalik sa post ko sa may business class.
"Yanna, right?" Napatingin ako sa matandang lalaki sa harapan nang tawagin niya 'ko.
Naglakad ako palapit at ngumiti sa kanya. "Do you need anything, Sir?"
May kinuha siyang maliit na notebook at nilapit sa 'kin, kasama ang ballpen. Napatingin ako roon, nagtataka kung bakit niya binibigay sa 'kin. Autograph? Hindi naman ako artista!
"You can put your number there," he casually said.
Kumunot ang noo ko saglit ngunit ngumiti pa rin sa kanya, peke na ngayon. Sa trabahong 'to, kailangan ko talaga ng mahabang pasensya.
BINABASA MO ANG
Safe Skies, Archer (University Series #2)
RomanceUniversity Series #2 Hiro, a student pilot from DLSU, was very clear with his number one goal in life. It was to study in the best flying school in Florida. However, he agreed to have a no strings attached relationship with Yanna from FEU Tourism, t...