"5 years late, huh?"
Napapunas kaagad ako sa luha ko nang umupo si Hiro sa tabi ko, bagong ligo ayon sa pang-amoy ko. Napatingin siya sa papel na hawak ko at bumuntong-hininga, inaalala ang naroon.
"Ngayon ko lang nabasa." Pinunasan ko ulit ang luha ko gamit ang likod ng kamay.
Hinawakan ni Hiro ang kamay ko para pigilan ako at siya ang nagpunas ng mga luha ko. Titig na titig ako sa kanya ngayon, mas lalo lang siyang minamahal dahil sa mensahe niya sa 'kin noong bumalik siya at wala ako.
"It's okay. It was never too late." He kissed my forehead to calm me down.
Hinawakan ko ang kamay niya at sinandal ang ulo sa balikat niya. Nasa tabi ko lang siya pero parang naroon pa rin ang pagkasabik sa 'king makasama siya. Kung pwede lang na ganito kami palagi, bakit hindi diba? Pero marami pa kaming responsibilidad sa mundo, at sa anak namin.
"Thanks for coming back," mahinang sabi ko.
"I will always come back for you, Ashianna." He squeezed my hand. "And if I don't, just wait for me."
We stayed like that for a minute before I decided to take a shower. Pagkatapos ko mag-shower at mag-toothbrush ay nagbihis na 'ko ng pajamas saka humiga sa kama, kung saan ko naabutan si Hiro na natutulog na at yakap si Avi. Humiga ako sa kabilang side at yumakap rin sa anak ko bago nakatulog.
Napasarap ata ang tulog ko dahil pagkagising ko, wala na 'kong katabi. Wala na si Hiro at wala na rin si Avi. Dali-dali akong bumangon at naghilamos bago bumaba kung saan nakita ko si Hiro na nagwawalis, habang si Avi ay tinuturuan magdilig ni Mama sa may bakuran.
"Wow, may bagong hire pala si Mama na kasambahay," sambit ko kay Hiro pagkababa ng hagdan.
"Oo, buti nga gising na, eh." Inabot niya sa 'kin ang walis.
Sinamaan ko siya ng tingin at umaktong ihahampas sa kanya ang lintik na walis na 'yon. He laughed and continued sweeping, habang ako ay dumeretso na sa may kusina, nagulat pa ako na naroon na si Tita dahil wala siya rito kagabi.
"Nako, may trabaho ako kagabi! Nakakagulat ka, Yanna, at bigla-bigla ka na lang bibisita. May dala ka pang asawa!" pang-aasar niya.
"Hindi ko asawa, Tita," I corrected.
"Sus! Doon din papunta 'yon!" Tumawa si Tita.
Napailing ako at tumulong sa paghain ng mga plato. Mayamaya, may bata nang humahatak sa shirt ko dahil sa gutom.
"Malapit na, anak." Hinaplos ko ang buhok niya.
"Okay, Mommy," mahinang sabi niya at nanguna nang umupo roon sa dining kahit wala pa namang pagkain doon.
BINABASA MO ANG
Safe Skies, Archer (University Series #2)
RomanceUniversity Series #2 Hiro, a student pilot from DLSU, was very clear with his number one goal in life. It was to study in the best flying school in Florida. However, he agreed to have a no strings attached relationship with Yanna from FEU Tourism, t...