12

3.2M 82.1K 190K
                                    


"Ang ganda."


Nakatingin ako sa baba at hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Pinapanood ko ang mga ulap na nilagpasan namin. Ngayon, nasa ilalim na sila ng eroplano. Kinuha ko ang phone ko para picture-an 'yon.


"Water?" tanong ko kay Hiro.


Ang tagal na niya kasing nagpapalipad tapos mukha pa siyang busy na busy kaya hindi ko siya kinakausap. He looked at me for a second and laughed at my face. Nilahad niya ang kamay niya kaya dali-dali kong kinuha ang tubig ko para ibigay sa kanya. Binuksan ko pa.


"Malapit na ba?" tanong ko pagkabalik niya sa 'kin noong tubig.


"Miles far," he said, not looking at me.


I bit my lower lip and looked outside again, wondering how can Hiro manage to be that handsome while flying a plane? Malala na ata ang tama ko. Siguro nga iba talaga kapag passionate ang isang tao sa ginagawa niya. Iba 'yong glow. Ganoon din kaya ako kapag naabot ko na ang pangarap ko? 


"Busuanga tower, RP-C 892, good morning," sambit niya sa headset.


"RP-C 892, good morning, go ahead," I heard a man said.


Tumingin ako sa mga ulap at binalik ang tingin kay Hiro nang magsalita ulit siya. May kung ano sa boses niya na 'kinakamangha ko. Hindi ko rin alam.


"Busuanga tower, we are 15 miles north east of the station at 8,500 feet, for landing," Hiro said.


"Roger. Report 5 miles inbound, descend to 1500. Runway 08 in use QNH 2992." Napakunot ang noo ko dahil hindi naintindihan ang sinabi ng lalaki.


"Will report 5 miles inbound at 1500. For runway 08 2992 RP-C 892," Hiro answered.


He glanced at me for a second and bit his lower lip, stifling a smile when he saw how confused I was.


Pinanood ko kung gaano siya ka-busy sa control wheels ng eroplano, completely dominating it. I admired him from where I was seated so I took a picture of him driving. Isa lang, promise. Ngayon lang. Napangiti ako nang mag peace-sign pa siya saglit ngunit hindi nakatingin sa camera.


"Ang ganda ng side profile mo, 'no?" pansin ko habang tinitignan ang litrato.


Ang perpekto ata masyado ng pagkakahubog sa mukha niya. He pursed his lips, which emphasized his jawline more. Nakabukas pa ang tatlong butones ng puting polo dahil nainitan kanina. Doon ko lang din napansin 'yong mukhang mamahalin niyang relo na nakahawak sa control wheel ng plane.


"Staring now, are we?" He laughed.


Umiwas kaagad ako ng tingin at kunwaring tinanaw ulit ang mga ulap. Parang may bumabaliktad sa tiyan ko kapag bumababa siya. Ganoon pala 'yon?


Hindi ko alam ilang minuto na ang nakalipas dahil abala akong tinitignan 'yong mga lupang natatakpan ng kaunting ulap sa baba. I looked at him again while he was checking something in the controls. Then, he fixed his headset.

Safe Skies, Archer (University Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon