"Kumain ka na," pag-alok ni Wiz.
Kinuha niya ang arroz caldo sa mesa upang iabot kay Francis. Buong araw na kasi itong matamlay at hindi kumakain kaya nag-aalala na sila.
"Ayaw ko," mahinang pagtanggi niya. "Ang sakit-sakit ng puwet ko. Baka kapag natae ako, lumabas pa ang bituka ko."
"Gasgas lang 'yan. Naturukan na kita ng anti-tetanus at pinainom ng antibiotics. Mga dalawang araw lang, aayos na ang pakiramdam mo," paniniguro ng nakatatandang pinsan. "Sige na, kunain ka na."
"Uuwi na ako pabalik sa Tsina. Hindi yata ako nararapat na manirahan dito," may bahid ng pagtatampong sinambit niya. "Bakit kasi sinama niyo pa ako?"
"Huwag ganyan. Alam mo naman na matagal ka na rin namin gustong iuwi dito sa Pilipinas. Para rin sa ikabubuti mo ito, hindi lang dahil sa gusto ka namin isama sa misyon na matanggal ang sumpa ni Miss Elf. Nais namin na makapag-aral ka ulit at maiayos ang buhay mo."
"Pauwiin niyo na lang kasi ako," mabigat ang loob na pagpupumilit pa rin ni Francis kahit ramdam niya ang sinseridad ni Wiz. Nahihiya na rin siya sapagkat ayaw sana niyang dumepende sa mga pinsan lalo na at maraming pabor na ang ibinigay nila sa kanya. Sa kanilang apat, siya kasi ang hindi pinalad sa kayamanan kaya feeling out-of-place siya. "Kapag pwede na akong i-discharge sa ospital, pakihatid na ako ulit sa Miao-miao. Ako na ang bahala sa sarili ko."
"Kadarating mo pa lang, pagkatapos ay aalis ka na?" naiinis na pagsingit na ni Uno sa pag-uusap ng dalawa. Napalabas pa siya kaagad sa banyo pagkatapos umihi dahil na-highblood siya sa mga narinig. "Tanggalin mo na nga sa kukote mo ang pagbalik dahil hindi na mangyayari iyon!"
"Kalma lang. Nilalagnat na nga siya," pagpigil na ni Wiz upang hindi na mas mapagalitan pa ang nakababatang pinsan.
May hinanakit na tinalikuran ni Francis ang mga kausap. Lihim na nagdaramdam din siya dahil sapilitan na dinala siya sa ospital nang mapansin na inaapoy siya ng lagnat kanina pang madaling-araw. Kahit na anong paliwanag niya na simpleng lagnat lang iyon ay tumawag na pala sa 911 si Mike upang maihatid siya ng ambulansya sa pagamutan. Pakiramdam tuloy niya ay masyado nang controlling ang mga pinsan samantalang ang totoo ay concerned lang ang mga iyon sa kanya.
Pumasok ang isang poging doktor na may pagka-chinito rin ang mga mata. Sa unang tingin ay medyo intimidating siya dahil sa pormal ang kilos at pananamit. Katulad ng ibang lalaking Semira siya rin ay naulanan ng kagwapuhan. Makinis ang kayumanggi niyang kutis at maganda rin ang built ng katawan. Dahil sa lakas ng appeal, noong teenager pa ay pansamantalang nagmodelo rin siya para sa Giorgio Armani at Versace.
Mahigit pitong taon na ang lumipas nang huminto siya dahil he's too hot to handle raw. Nagsawa na rin siya sa kaka-pose at kaka-project sa camera na iisa lang ang ekspresyon ng mukha na dapat ay "fierce".
At, bitter siya dahil iniwan ng nobyang modelo rin at nagtungo sa America upang subukan ang Hollywood. Dahil doon ay ayaw na niyang pasukin muli ang mundo ng fashion.
Minabuti na lang niyang mag-aral ng medisina katulad ni Wiz. Kasalukuyan siyang residenteng doktor na specialization ang internal medicine sa ospital na pag-aari nila. Nais kasi niya na maging cardiologist pagkatapos ng kanyang residency dahil hilig niya ang lahat ng bagay na may kinalaman sa puso.
Mapatotoong puso man na tumitibok o heart to heart talk pa, handang-handa siyang makinig at makatulong.
Ang tawag nga sa kanya ng mga hospital staff ay "Doctor Heart".
Siya ay ang nakatatandang kapatid ni Mike na si Luis. Hindi nalalayo ang edad niya kina Wiz at Uno na nasa late twenties na.
Lumapit siya kung saan nagmakaktol pa rin si Francis.
![](https://img.wattpad.com/cover/212396424-288-k362720.jpg)
BINABASA MO ANG
Semira Boys Series: Uno Emir (Completed)
Любовные романыSemira Boys Series: Uno Emir Tunghayan ang mala-extraterrestrial love story nina Uno at Alfa na pang-out of this world ang datingan. Dahil sa pangitain ng mapupungay na mga mata at maalindog na katawan ng binata, aksidenteng nabangga sa tore ng kury...