Kapitulo 22: Kalayaan

171 15 23
                                    

Tama ang naging pag-aanalisa ni Mike.

Wala ngang kinalaman si Sean sa planong pag-assassinate kay Uno.

Sa katunayan ay nabigla rin siya sa naikuwento ng isa sa mga bodyguard niya na may utos nga na nagmula pa sa palasyo, na sapilitang dakpin si Alfa. Itinuring ito sa kategoryang manhunt, dead or alive man ay dapat makuha ang babae sa madaling panahon. Lahat ng posibleng witness o kukontra ay may order din na paslangin at si Uno ang unang-una na nailagay sa listahan.

Hindi siya makapaniwala na magagawa ito ng sariling kapamilya lalo na at alam naman nilang mahal niya ang ex-fiancee.

Nagmamadali siyang bumalik muna sa Galaxy 100,000,007, upang makumpirma mismo sa kapatid ang nabanggit ng kanyang mga tauhan.

Nanlalamig ang mga kamay na pinihit niya ang hawakan ng dambuhalang pintuan. Lumangitngit pa iyon habang dahan-dahang bumubukas. Lumantad ang malaking silid kung saan nasa gitna ang working space ng kuya niyang si Sheldon.

Umangat ang mukha ng crown prince nang mapansin ang pagpasok ng nakababatang kapatid. Nang magbangga ang mga mata nila na parehong kulay amber, ngumiti lang ito saglit at pagkatapos ay binalik na ang atensyon sa binabasang mga papeles.

"Kuya," pagtawag niya. "Can I talk with you for a while?"

"Medyo busy ako," malamig na tugon nito sa pakikipag-usap niya kaya nainis na siya at inagaw ang hawak na mga papel. Padabog na inilagay muna niya ang mga iyon sa likod dahil gusto niyang siya muna ang pagtuunan ng pansinin ng kapatid.

"Anong ginagawa mo?" pasinghal na pinagalitan na siya ni Sheldon. "Kung guguluhin mo lang ako, lumabas ka na! Nakakaistorbo ka!"

"Nakakaistorbo?" pigil sa inis na tinuran naman niya ang nakatatanda. "Sa palagay mo, simpleng pang-iistorbo ang ginagawa ko? May gusto akong malaman na importante! Ano itong narinig ko na pina-a-ambush niyo si Uno Semira nang dahil sa manhunt niyo kay Alfa?"

Natigilan si Sheldon sa pag-uusisa ng kaharap. Ganoon pa man ay sinikap niyang mag-isip ng mga dahilan na magiging katanggap-tanggap.

Napabuntong-hininga siya at sumandal sa upuan dahil alam niyang mahaba-habang pagpapaliwanag ang gagawin sa brutal na pamamaraan niya at ng mga magulang, kung papaano makukuha ang dalaga.

"Para mas madali nating maisama si Alfa," nakangiting sinambit niya. "Hindi ba, 'yun ang sadya mo kaya ka nagpunta sa Earth? Maybe, instead of ranting, you should thanks us!"

"Thank you? That was done without my knowledge and consent? At manhunt ang nilagay niyong category, tinrato niyo na kriminal si Alfa! At nasa list ng ipapapatay na witness si Uno? Dude, that's pure evil!"

"OK, we were wrong about that but it was necessary!" pag-ako na nito sa pagkakamali. "I admit it! It was intentional na isama namin siya sa listahan. Hindi ba, dapat matuwa ka pa kasi siya ang malaking problema mo para makuha si Alfa?  If he's the problem, then eliminate him!"

"Hindi ko intensyon na ipapatay si Uno!" panunumbat na ni Sean sa kanya. "Muntikan pa na mapahamak si Alfa sa ginawa niyo!"

"She's at the wrong place, at the wrong time," walang emosyong pagdadahilan naman nito. "Sorry."

Nagdilim ang isipan ni Sean dahil sa pilit na paghingi nito ng dispensa kaya nahatak niya sa kwelyo ang kausap.

"Sorry? Is that all you can say?" hindi makapaniwalang naitanong niya.

Semira Boys Series: Uno Emir (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon