"Sir, uuwi na po muna kami. May mga nababalita kasi na mga UFO* sightings at nagkaroon pa ng nationwide blackout. Baka katapusan na ng mundo!" takot na takot na paglalahad ni Kasambahay 1. "Sasakupin na tayo ng mga aliens!"
(Unidentified Flying Object)"Sorry po, Babalik muna ako sa probinsya. Kailangan din po ako ng aking pamilya," pagpapaliwanag ni Kasambahay 2.
"Pasensya na po talaga. Sinusundo na ako ng asawa ko. Kung may mangyari raw na masama, at least magkasama na kami," pagpapaalam naman ni Kasambahay 3.
"Naiintindihan ko. Kung nais pa niyong bumalik at magtrabaho sa amin ay magsabi lang kayo. Tatanggapin ko kayong muli," paniniguro ni Uno sa mga kasambahay na nasindak sa nangyaring nationwide blackout at napabalitang alien invasion.
"Thank you po, Sir!" sabay-sabay na pagpapasalamat nila bago nilisan ang tahanan ni Uno.
"Mag-iingat kayo," pagbibilin niya bago nakasakay ng tricycle ang tatlong mga ginang.
Kahit na kalmado lang ang kanyang reaksyon, sa kaloob-looban niya ay nalulungkot siya dahil maiiwan na naman siyang mag-isa sa bahay. Para sa kanya ay kapamilya na ang turing sa mga empleyado pero wala rin naman siyang magagawa kung pinili ng mga ito ang kani-kanilang mga kadugo. Panandalian muna siyang napaupo sa gilid ng kalsada habang inaalala kung paano na siya ngayong napag-iwanan na.
Matagal na kasi siyang pinabayaan ng ina at nangibang-bansa. Nakapag-asawa na rin ito at abala sa mga stepchildren kaya siya mismo na tunay na anak ay hindi na napapansin. Ang ama naman ay inasikaso ang mga negosyo nila at bihira na rin siyang puntahan at kumustahin. Kapag siya naman ay dumadalaw sa opisina o penthouse nito ay nasa meeting iyon palagi o kaya nakikipaglaro ng golf kasama ang mga kabarkada.
Sa likod ng mayabang at spoiled brat na aura ay nais lamang niya ng atensyon at pagmamahal. Aminado siya na noong mas bata pa ay naging mapusok pa siya dahil sa paghahangad na makahanap ng pag-ibig sa mga babaeng nakarelasyon. Pogi naman kasi at madating kaya madali lamang sa kanya ang makaakit ng mga babae.
Sa kasamaang-palad, kapag fall na fall na siya sa babae ay doon naman siya ipagpapalit sa ibang lalaki. Nasasaktan pa siya dahil ang ipinapalit ay hindi na nga kagwapuhan, hindi rin magaganda ang ugali. Naisip pa niya na baka naman iba na ang standards ng mga babae at nahuhuli na siya sa balita.
"A-wooh...
Saan ako nagkulang?
Bakit ang puso ko'y iyong nilaro?
Nagawa mo rin na pagtaksilan ako.
Akala ko ang pagmamahal mo ay totoo,
Subalit isang umaga'y aking napagtanto,
Na ang pag-ibig mo pala ay tanso.
Kung alam mo lang, babaeng minahal ko,
Hindi ko inaasahan na ako'y maloloko.
Magsama kayo ng lalaking mukhang oso,
Ako'y sawang-sawa na sa kalbaryong ito!
A-wooh...yeah...yeah..."Biglang dumagundong ang madamdaming pag-awit ng kapitbahay habang feel na feel pa niyang inaalala ang failures sa love life. Relate na relate pa siya sa lyrics nito kaya naramdaman pa niyang nangingilid ang kanyang luha.
Nagpantig ang tainga niya sa pagkanta ng lalaki na may pamaos-maos pa at panginginig ng boses. Sinikap man niyang huwag pansinin ay nilakasan pa nito ang volume ng videoke kaya umugong sa tainga niya ang awitin nito na pinamagatang "Ang Pag-ibig Mo ay Tanso" na isinulat pa ng batikang manunulat ng mga awitin na si Wizvisionary.
"Anak ng butete! Hahagisan ko na ng gulong ang bintana niyan kapag hindi pa tumigil!" nanggagalaiti sa inis na binalak niyang gawin sa oras na ulitin pa nito ang kanta.
Susunod naman na inawit ng lalaki ang platinum-awarded song na "Isa Akong Sawi" na likha rin ng kapita-pitagang si Wizvisionary kaya napalugmok na lang si Uno sa garahe habang tinitiis ang nakakaiyak na mga lyrics. Sumandal siya sa may gilid ng kotse at nag-emote na mala-Vilma Santos.
BINABASA MO ANG
Semira Boys Series: Uno Emir (Completed)
RomanceSemira Boys Series: Uno Emir Tunghayan ang mala-extraterrestrial love story nina Uno at Alfa na pang-out of this world ang datingan. Dahil sa pangitain ng mapupungay na mga mata at maalindog na katawan ng binata, aksidenteng nabangga sa tore ng kury...