Kapitulo 20: False Hope

204 18 45
                                    

Nagwawalis sa may tapat ng gate si Alfa nang may maramdaman siya na nagmamasid mula sa likuran niya. Paglingon ay sumalubong sa kanya ang isang bouquet ng mga pulang rosas. Masaya siyang binati ng ex-fiance na si Sean.

"Good morning, my princess!"

"Sean?" gulat na napabulalas ng kausap. "Hindi ka na dapat dumalaw pa rito!"

"Huwag kang mag-alala," pagpapakalma niya rito. "Gusto lang kitang kumustahin. Kailangan mo ba ng tulong?"

"Hindi na. Patapos na naman ako," malamig na tugon niya sa alok ng dating kasintahan dahil iniiwasan na niyang makausap ito. Nakukunsensya man dahil sa pakikitungong pinapakita sa binata, ito ang paraan na naisip niya upang matanggap na ni Sean na wala na silang pag-asang magkabalikan pa.

"Baka naman, mapagbigyan mo na ako ngayon," pakikiusap pa rin nito. "May malapit na kainan, sabayan mo akong mag-almusal. Gaya ng dati-"

"Sean," pagsingit na niya bago pa man nito ituloy ang sasabihin. Pinagmasdan niya ang magkahalong ngiti ngunit malungkot na ekspresyon nito. Gusto na sana niyang pumayag ngunit ayaw niya na itong bigyan ng katiting na pag-asa. "Hindi na tayo maibabalik sa dati. Malaya na tayong dalawa. Sana matanggap mo na iyon."

"Higit sa kalahati ng buhay natin, naging magkaibigan tayo. Ilang taon na naging 'tayo'. How can I easily accept that we're over?"

"I'm really sorry about that," pakikisimpatya niya sa mga hinanakit ng ex. "Pero paano ka makaka-move on if ayaw mo nga akong pakawalan? Ang masasabi ko, huwag mo na akong puntahan pa. Unti-unti, mawawala rin ako sa isipan mo hanggang sa makahanap ka na ng iba."

"Bakit ba ang bilis mong itapon ang lahat ng pinagsamahan natin?" paninimula nang manumbat ni Sean. Napakabigat ng kalooban niya dahil umaasa pa rin siya na sana ay mabalikan pa subalit parang wala lang sa sinusuyo ang lahat ng effort niya.

"Sabihin mo nga ang totoo! Minahal mo na talaga ako?" may tono ng paghahamon na pinaaamin niya si Alfa pero kaagad din naman niyang binawi.

"Hindi mo ba ako minahal...kahit kaunti?" pagsusumamo na niya.

Nakunsensya ang dalaga sa nasaksihang ekspresyon mula sa kababatang kinakalimutan na ang pagiging prinsipe basta ba makipagbalikan lang ito sa kanya.

Inibig naman niya si Sean.

Subalit, hindi umabot sa antas ng romantikong pagsinta ang pagtingin niya rito.

"Mahal kita...pero hanggang kaibigan lang..."

Tila ba nabiyak ng pira-piraso ang puso nito dahil sa narinig. Ang kinikimkim na sama ng loob ay hindi na napigilan pa na mailabas nang dahil sa panibugho.

"Si Uno ba ang dahilan kung bakit napakadali mo akong kalimutan?" puno ng galit na sinisi niya. "Marahil ay sinasabihan ka niya na lumayo sa akin! Sino ba siya? Ilang buwan pa lang kayo magkakilala!"

"Huninahon ka, Sean!"

"Tama ako, hindi ba? He's been manipulating you!" Nahatak pa niya si Alfa sa braso kaya nahintakutan na ito na baka maging agresibo na siya. "At, nagpapadala ka naman sa mga gusto niya! I expected more from an educated woman like you!"

Nabigla ang dalaga sa binibintang niya kaya nasampal siya nito nang malakas, dahilan upang dumugo ang gilid ng bibig nito.

"Don't you dare speak to me that way!" maluha-luhang pinagtanggol niya ang sarili. "Katulad ka rin ng magulang mo! Ang dali niyo akong husgahan! At hindi mo man lang ako nagawang ipagtanggol! Paano ako magtitiis sa piling mo kung araw-araw, ipaparamdam niyo lang sa akin kung gaano ako kababang tao!"

Semira Boys Series: Uno Emir (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon